Ivana, walang gustong gawin sa kanyang birthday!

Ivana
STAR/ File

Maingat si Ivana Alawi sa pakikisawsaw sa isyu o awayan ng kanyang mga colleague sa entertainment vlogging.

Bilang isa sa pinakasikat na vloggers/social media influen­cers, ayaw niyang basta-basta makisawsaw sa mga kontrobersya ngayon.

Wala mang pangalang nabanggit, natanong pa rin si Ivana tungkol dito sa launching niya bilang celebrity endorser ng super juice na MaxiJuice ng Maximum 88 Corporation.

Chika niya : “As much as possible, hindi talaga ako ‘yung magsasalita. And never akong sumawsaw sa any issue because I respect everyone. Ako, gusto ko tahimik lang and ‘yun, masaya lang ako sa life ko.”

Though open siya sa pakikipag-collab sa iba pang influencers at katunayan, marami na siyang nagawang collaborations sa mga ito.

Itinuturing pa rin ni Ivana na importanteng bahagi ng buhay niya ang vlogging. Kaya naman kahit busy na siya sa pag-aartista, wala raw siyang balak iwan ito. “Kasi very ano ako sa vlog, talagang kahit busy ako, naghahanap pa rin oras para makapag-vlog. Kasi importante pa rin sa akin ang viewers ko du’n. And masaya sila sa mga content, iba rin kasi ‘yung movie, iba ‘yung vlog. Kasi sa vlog, I get to be myself. Sa movie, kailangan magpu-portray ka ng ibang tao. And also, I love helping people and nagagawa ko siya throughout my vlog. So, tuluy-tuloy pa rin.”

Sa kasalukuyan ay happy ang sexy actress sa itinatakbo ng career niya lalo pa nga’t may upcoming Metro Manila Film Festival entry siya kasama si Vice Ganda.

Sunud-sunod din ang mga endorsement niya na ang latest nga ay itong Maxijuice.

Super thankful din siya sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Maximum 88 Corporation executives na sina Patricio Jugueta (President/CEO), Mark Anthony Dapiton (VP/CMO) at Willis Chavez (Co-Founder/CTO) para sa latest endorsement niya.

Ilang buwan daw muna itong sinubukan ni Ivana bago niya tinanggap ang alok.

Perfect daw ang organic drink na ito na merong buah merah, guyabano, acai-berry, barley, malunggay, wheat grass, mangosteen, inulin fiber at stevia para sa mga tulad niyang constipated.

Isa rin umano ang MaxiJuice sa mga rason kung bakit niya nami-maintain ang 32 1/2-23-33 niyang figure kahit na walang diet o exercise.

Yes ganun, tamad siyang mag-gym nung lagay na ‘yun pero ganun ang katawan niya.

Kwento ng aktres, parte na ito ng kanyang lifestyle at araw-araw niya itong tine-take tuwing breakfast.

Samantala, excited na ang Filipino-Moroccan star na mag-celebrate ng kanyang birthday sa Christmas Day.

“Puro eat and work lang ako sa birthday ko,” banggit niya sa kanyang plano.

At ang birthday wish niya “Sana matapos na itong pandemic para makabalik na tayo sa normal na buhay natin at maging masaya tayong lahat.”

Aktres, nasobrahan ng glutha

Napapagkamalang nasobrahan ng injection ng glutathione ang isang actress.

Parang ang nipis na raw kasi ng skin nito at maputla na ang pagiging tisay.

Noon pa nila tsinitsismis na may mga kamut ang aktres kahit ‘di pa nanganganak.

Kung sabagay hindi lang naman siya ang nagmukhang maputla at manipis ang balat.

Marami-rami na silang hindi natural ang kulay.

Bukod sa nakakaganda, maraming health benefits ang glutha kaya rin siguro suki rin si aktres nito.

Show comments