^

PSN Showbiz

Ibang contestant sa FF, nagmumukhang engot!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Ibang contestant sa FF, nagmumukhang engot!
Dingdong
STAR/ File

Kaaliw-aliw panoorin ang mga contestant sa game show ni Dingdong Dantes na Family Feud.

May taranta factor sa mga sumasagot dahil three seconds lang ang time limit. Eh kung babagal-bagal ang conestant, x agad ang ganti sa kabagalan, huh!

Kadalasan naman, hindi naiisip ng contestants na ang 100 na tao na kasama sa survey, kadalasan ay pangmasa ang sagot. Eh ‘yung kalahok na mukhang yayamanin at sosyalin, ‘yung sariling sagot ang nasa isip at hindi ‘yung sagot na mula sa masa.

Ang suggestion namin sa magiging contestant sa FF, aba, manood ng nakaraang episodes nang sa ganun eh hindi magmukhang engot kapag sumasagot!

Mabuti na lang, magaling na host si Dingdong kaya kahit out of this world ang mga sagot ng kalahok, nagagawa niyang maging magaan ang dating nito!

Boy, ‘di pa rin alam kung saang network babalik

Pinagdiinan ng King of Talk na si Boy Abunda na ang nakaraan niyang interview kay Vilma Santos-Recto ay kaugnay ng 60th anniversary sa showbiz ng Star For All Seasons.

Eh aminado si Boy na name-miss niyang mag-interview sa harap ng camera.  Kaya patuloy pa rin ang tsismis na mapapanood siya sa isang network.

Sa nakaraang pahayag ni Boy, nakikipag-usap na siya sa ilang networks. Pero wala siyang tiniyak kung sa Kapuso o Kapatid network ito.

Pero hindi lingid sa kaalaman ng lahat na sa GMA nagsimula si Boy bago napunta sa Kapamilya. Kung sakaling sa Kapuso siya mapapanood muli, magsisilbing homecoming niya ito.

Teka, para kaya sa isang special ni Ate Vi ang interview ni Boy?                           

vuukle comment

DINGDONG DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with