^

PSN Showbiz

Eric Quizon, magiging bossing ng talent arm ng Net 25!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Eric Quizon, magiging bossing ng talent arm ng Net 25!
Eric Quizon

May sariling talent arm na rin ang Net 25, ang Star Center.

At ang magiging head nito, si Eric Quizon.

Kahapon ay pumirma na ng kontrata si Eric. Naganap ang pirmahan ng contract sa Net 25 building kasama ang president ng network na si Mr. Caesar Vallejos at executive ng Net 25 na si Ms. Wilma Galvante.

Ayon kay Mr. Vallejos part ito ng efforts ng Net 25 na mag-develop ng sariling talents.

Kasama aniya ito sa maraming mga plano nila sa pagpasok ng 2023.

Bago ang pagiging bossing ng Star Center, napapanood na si Eric sa isa sa pinaka-successful na show ng network, ang Quizon CT na umeere every Sunday, 8:00 p.m.

Kasama ni Eric dito sina Epy and Vandolph Quizon at wife ni Vandolph na si Jenny na masasabing isang clean comedy for the whole family. Traditional daw kasi ang formula ng Quizon CT na sabi nga ni Mr. Vallejos ay parang sa kanilang amang comedy king na si Dolphy.

Dagdag pa ni Ka Caesar, marami na silang stars na kumbaga ay in the pipeline at kasalukuyang inaayos pero ayaw pa niyang pangalanan.

Recently lang ay nagkaroon ng launching ang tagline nilang Let’s NET together sa Net25 bilang kampanya sa wholesome family programming.

So may bagong katapat na ang Star Magic at Sparkle.

ERIC QUIZON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with