Syota ni Rhian, umabot sa 34 milyong yen ang na-shopping nang i-blowout ang mga staff

Rhian at Sam
STAR/ File

Suwerte ni Rhian Ramos.

Ang yaman ng boyfriend niyang si Sam Verzosa.

Imagine pinag-shopping niya sa Louis Vuitton (Japan) ang mga staff niya sa pag-aaring kumpanyang Frontrow.

Bukod pa raw ito sa free travel and tour.

Sa isang store visit lang daw, more than 34 million yen ang nagastos nito na sa Philippine peso ay a little more than P17 million.

Sa kanyang mga Instagram story ay makikita ngang todo-todo ang pasasalamat sa kanya ng mga staff niya.

May nag-post pa ng ‘choose anything you want in LV’ as in free tour ang free LV shopping. ang nasabing biyahe.

Pero ang narinig kong kuwento, hindi raw masyadong ‘material girl’ si Rhian.

May mga tinatanggihan nga ba itong regalo ng negosyante at isa ring congressman bilang representative ng Tutok to Win?

Isang influencer din ang ex ni Rep. Sam Verzosa na diumano’y girlfriend ngayon ng isang upcoming actor / director.

Show comments