Buboy Villar, may bagong ka-loveteam!

Bella at Buboy
STAR/ File

Magpapakilig sa pelikulang mapapanood sa mga sinehan ngayong buwan ang bagong loveteam nina former child star-turned-comedian na si Buboy Villar at promising actress na si Bella Thompson sa Ang Kwento ni Makoy (AKNM).

Ang rom-com movie na ito ay tungkol sa isang masayahin at mapagmalasakit na nurse (Villar) na mag-aalaga sa isang masungit na Covid patient (Thompson).

Sa ilalim ng direksyon ni Direk HJCP at produksyon ng Masaya Studio Inc,  Ang Kwento Ni Makoy ay mapapanood sa mga sinehan nationwide simula ngayong Disyembre 7, Wednesday.

Bukod kay Buboy at Bella, bibida rin dito ang emerging stars na sina  Elan Villafuerte, Jimson Buenagua, Ranz Aganan, Angelita Loresco, Kenneth Mangurit, at Kharyl Shanti Ibnohasim na kilala sa larangan ng   indie films at indie theatrical plays.

Kasama rin dito ang mga bagong mukha sa industriya na sina Caroline Perla, Jonna Sibonga, at Prince Euri Feliciano.

Kinunan noong kasagsagan ng pandemya, umiikot ang Ang Kwento ni Makoy sa kakaibang onscreen chemistry nina Bella at Buboy kung saan gaganap si Bella bilang isang self-help writer na magiging positibo sa COVID-19 at aalagaan naman ng karakter ni Buboy na isang mabait at masayahing nurse.

Sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga karakter pagdating sa kani-kanilang pananaw sa buhay, ang karisma ni Buboy ang magbibigay-daan para maging magkaibigan sila at matutunan ang kahalagahan ng buhay at mga taong malapit sa kanila.

Bongga sa kasalukuyan ang career ni Buboy.

Show comments