Jake, handang ipakita ang kanyang pagkalalaki

Jake Cuenca

Very confident si Jake Cuenca sa size ng kanyang pagkalalaki. Eh sa presscon ng stage play na kabilang siya, ang Dick Talk, handa siyang maghubad upang ipakita ito!

“Kung gusto ninyo, ngayon na! I am confident enough to take off my clothes for this play! Ha! Ha! Ha!,” sambit ni Jake.

Eh si Mikoy (Morales)?

“To be honest, insecurity ko nga ‘yun Ha! Ha! Ha! In-embrace ko na! Kahit hindi ako malaki sa ibang bagay. Bumabawi naman sa performance. Confident ako na hindi na ‘yun source ng kaligayahan!,” sagot ni Mikoy.

Eh si Gold (Aceron)?

“Wala naman sa akin ‘yun. ‘Pag tinatanong ko, ‘Dyutay ka ba?’ Sinasabi ko, oo. Dyutay talaga ako pero para sa akin. Tingnan ninyo na lang! Ha! Ha! Ha!,” sagot ni Gold.

Kasama sa cast ang transman na si Phil Noble pero hindi halata na transman siya. “Para sa akin, pagdating sa sexual intercourse, it’s about performance!,” sabi ni Phil.

Usapang kargada ng lalaki o sa gay lingo eh nota ang stage play na Dick Talk na produced ng V-Roll Media Ventures si Eboy Vinarao in cooperation with Trifecta Media Lab ng kaibigang si Tristan Cheng.

Mapapanood ang Dick Talk sa RCBC Theater sa April 2023.

Show comments