^

PSN Showbiz

Kwento ng mga Pinoy prosti sa Cyprus, isa sa three-part special ng MMK

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kwento ng mga Pinoy prosti sa Cyprus, isa sa three-part special ng MMK
Kaila
STAR/ File

Bumida si Kaila Estrada bilang babaeng napilitang sumabak sa prostitusyon sa three-part special ng MMK na parte ng kanilang Tatlong Dekadang Pasasalamat ni Charo Santos na nag-umpisa na nung Sabado (Nob. 26).

Sa direksyon ni Dado Lumibao, umikot ang kuwento kay Abby (Kaila) na nakipagsapalaran sa bansang Cyprus para sa pag-asang guminhawa ang buhay.

Sa kanyang pagdating sa ibang bansa, naloko si Abby at sapilitang nagtrabaho bilang isang prostitute.

Nalulong din siya sa cocaine para lang masikmura ang sinapit. Sa kabila ng lahat, magkakaroon ng konting liwanag ang kanyang buhay nang makilala niya si Iris (Karina Bautista) at iba pang katulad niya na nasa parehong sitwasyon.

Samantala, maaari ng mapanood ang ilang past episodes ng MMK sa ABS-CBN Superview ng YouTube pati na sa iWantTFC.

Isa ito sa huling tatlong episodes ng MMK sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC at TFC IPTV

Massive nga pala ang positive reaction sa naging pahayag ni Ms. Mel Tiangco sa kanyang kalungkutan na magtatapos na ang MMK.

Kinabiliban nila si Ms. Mel na very vocal sa kanyang naramdamang sadness sa pamamaalam ng programang tinatapatan nila.

“Tingin ko naman totoo yung reaksyon nya. Galing din naman kasi sya sa 2.  Magkakakilala sila at si Ms. Charo bago maging Host ng MMK batikang artista na din sya at iniidolo ng marami. Baka nga isa na dun sa umiidolo sa kanya  ay si Ms. Mel. Alam naman nila yan kung sino malakas sa industry. Alam din naman nyang sya yung best program din na itinapat sa MMK.

Parag EB yan at Showtime e.

Nakakalungkot lang na kinalakihan at kinatandaan ko na manuod ng MMK tapos biglang mawawala na sa ere,” komento ng isang netizen na nag-comment sa pahayag ni Ms. Mel.

“Alam niyo lahat nman ng tao tumatanda pero ang hinahangaan ko sa mga taong umaabot ng ganito tumatanda sila gracefully and full of wisdom at higit sa lahat apaka swerte mo kung aabot pa kayo o tayo sa ganitong edad!!kaya be grateful sa lahat lalu na sa buhay natin ng binigay ni Lord sa atin Ms.Mel mabuhay ka at laging mag ingat and may the Lord continue to bless u and mbigyan pa kayo ng mahabang buhay salamat po sa pag sisilbi bilang tagahatid ng balita mula noon hanggang ngayon,” ayon naman sa isang netizen.

KAILA ESTRADA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with