TVJ, Ipe, at iba pa, kasama sa mga icon ng EDDYS

Ipe
STAR/ File

Alam ko na very busy na kayo ng SPEEd o Society of Philippine Entertainment Editors dahil sa 5th EDDYS, Salve.

Exciting na meron pa ring award-giving body na tulad ng EDDYS. Dahil matagal na hindi nagkaroon ng big event sa showbiz tiyak na bongga ang magiging preparation nila para sa EDDYS.

Magkakaalaman na nga ngayong gabi kung sinu-sino ang tatanghaling pinakamagagaling sa larangan ng paggawa at pagbuo ng pelikula sa ikalimang edisyon ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng SPEEd.

Pero bongga dahil highlight din ng Eddys ang pagbibigay ng importansya sa mga icon ng industriya.

Ngayong taon ay pararangalan nila sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Phillip Salvador at Roi Vinzon. Nabasa ko na kasama rin sa bibigyang-parangal ang mga batikang artista na sina Helen Gamboa, Divina Valencia, Elizabeth Oropesa, Sharon Cuneta, at Alma Moreno.

Bongga.

Show comments