^

PSN Showbiz

John Lloyd, lutang ang saya kay Isabel!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
John Lloyd, lutang ang saya kay Isabel!
John Lloyd at Isabel.

Nag-post din sa kanyang social media account ng pictures si Isabel Santos na nagpapakita ng kanilang pamamasyal ng “rumored” boyfriend na si John Lloyd Cruz habang sila ay nasa London, kung saan talagang nagpunta sila para manood ng Laver Cup Tennis Tournament, na itinuturing ngayong pinakamahalagang tennis tournament sa mundo.

In fact ambisyon ng kahit na sinong tennis player, o tennis fan na makarating sa Laver Cup dahil para rin ‘yang mga laban sa Wimbledon o French Open. Pero ang nakatawag ng pansin namin talaga ay ang pictures nila. May lumabas na pictures ni John Lloyd sa harapan ng stadium na nakangiti nang todo. May lumabas na nasa isang restaurant sila. Pero iyong huli, nakaupo lang sila sa isang bench at parehong nakangiti. Hindi mo na kailangang basahin pa ang caption nila, makikita mo na masayang-masaya sila sa trip na iyon.

Ang layo talaga ng nakikitang personalidad ngayon ni John Lloyd, napaka-wholesome, lalo na kung ikukumpara mo sa ayos niya at naging mga aksiyon nang kung ilang taon ding nakaraan.

Noon, ano ba hitsura ni John Lloyd? Noon ang layo sa kanyang personalidad. Mahaba ang kanyang buhok na hindi halos naaayos, kung saan-saang lugar siya nakikita na hindi mo expected na pupuntahan niya. Halata mong magulo ang buhay niya noon. Ngayon makikita mo na maayos, ibig sabihin maganda na ang relasyon nila ng rumored girlfriend niya, kaysa sa sitwasyon niya noong araw.

Sana magtuluy-tuloy nang ganyan si John Lloyd. Napakaganda pa ng future niya at isa pa kailangang isipin din naman niya ang pagkakaroon ng isang pamilya, at ang kinabukasan ng kanyang anak.

Career ni Derrick, nanlamig agad?!

Matapos na simulan ang kanyang serye sa hapon, na naging maganda naman ang ratings noong simula, bakit parang nanlamig na naman si Derrick Monasterio? Parang kulang sila sa follow-up. Napakalakas ng kanyang dating sa fans, bago pa man nagsimula ang serye.

Ang dapat nga lang siguro talagang inayudahan naman siya ng promo, dahil alam naman natin na traditionally, ang late afternoon ay non-TV time. Hindi iyan gaya ng primetime na naroroon agad sa harap ng TV ang audience.

Iyang pre-primetime, para mai-maintain mo ang audience niyan, kailangan talagang may aabangan sila sa content. Ok naman ang batak ni Derrick sa fans, siguro kulang lang iyong kanilang teasers para abangan siya.

Female star, pahiya nang mag-feeling sikat

Hindi dahil ang isang artista ay nakapag-perform na sa abroad maaasahan niyang sikat na rin siya sa ibang bansa. Hindi rin niya maaasahan na bigyan siya ng star treatment kahit na saan dahil hindi naman sila kilala roon eh.

Nangyari iyan sa isang female star. Nagpunta siya sa isang city sa north, mayroon silang promo show, panay ang pagmamalaki niya sa kanyang “high rating TV show” sa palagay niya, nakatingin lang ang audience. Tinanong niya kung pinanono­od ang show niya, ang sagot ng mga tao, hindi kasi hindi pala nakakarating doon ang signal ng station nila. Ang ending napahiya pa siya.

Pumasok siya sa isang record shop abroad. Nakita niya, may Asian records rack. Ipinatanong niya sa kanyang alalay kung mayroon ba siyang CD na nabibili roon, ang sagot ng sales attendant wala at hindi siya kilala.

Ano ba akala niya, star na siya talaga kahit na saan?

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with