Regine, nagalit sa mga nagwi-wish na mawasak ang pagsasama nila ni Ogie
Nagkaroon pala ng freak accident si Regine Velasquez nang mag-perform sa birthday ng ama ni Jhong Hilario.
Ayon sa Ogie Alcasid, safe na ang Asia’s Songbird.
“Ty lord!!! Glad wifey is safe. She lost her balance while we were doing a spiel during a performance for the bday of the Father of @jhongsample.”
Pero iba naman ang tweet ni Regine.
Galit sa ibang nagwi-wish ng masama sa pagsasama nila ni Ogie : “By the way nakakapagud na yung mga taong nag papangap na “we care about her” and yet continues to wish my relationship with MY HUSBAND to fail “I don’t understand anymore. Well I guess block kiti block na lang ako. Hay.”
Nauna na ring nag-tweet si Ogie at may pinariringgan din siya : “There are a lot of angry people around. I pray that their anger subsides so that real peace will reign in their hearts. The world is much too toxic and we all need relief from it. Spreading GV this am. Love to all.”
Payo naman ng kanilang followers na dedmahin lang ang mga ganyang nagwi-wish o masama ang iniisip sa kanilang asawa.
Ganundin ang mga toxic people sa social media.
As long as solid daw ang relasyon nila, ‘wag silang paapekto.
- Latest