Heart, nalantad na ang sikreto sa Bling Empire
Finally, napapanood na ang special appearance ni Heart Evangelista sa Bling Empire Season 3, episode 9.
Matagal nang nag-shoot si Heart para sa sikat na Netflix series na pinagbibidahan ng mga crazy rich Asian.
“Bling on Netflix in about 30ish minutes ?:) see you,” aniya sa isang tweet kahapon.
Pinasalamatan naman ni Heart ang dalawa sa mga bida sa Bling Empire na sina Kane Lim and Kelly Mi Li.
Nag-story rin si Kane na “You asked for it, you got it. Guess who will be Bling Empire s3. Tune in tonight (kagabi). @iamhearte let’s go.”
Todohan na talaga ang international career ni Heart habang ang iba, wala na halos maisip na topic sa vlog nila.
“It was a fun cameo. Thank you Bling Empire for the sweetest party. to Kane and Kelly you are angels ,” tweet pa ulit ni Heart na naka-base ngayon sa Paris.
Almost a year na nang unang kumalat ang taping niya para sa nasabing sikat na reality show.
- Latest