Kuya Germs, 89 years old na sana!

Kuya Germs.
STAR/ File

Kung nabubuhay pala si Master Showman, German Moreno, 89 years old na siya kahapon. Mas kilala siya noong Kuya Germs.

At true naman na wala na talagang nakasunod sa kanyang mga yapak.

Walang nakadiskubre ng maraming artista na sumikat tulad ng ginawa ni Kuya Germs sa GMA Supershow at That’s Entertainment. Humabol pa noon ang Walang Tulugan.

Bukod pa sa naging generous ito noong kanyang panahon.

Actually, ang kuwento, hindi raw mahilig mag-bangko si Kuya Germs kaya ang mga pera niya ay nasa kuwarto lang niya at natambak noon.

Show comments