^

PSN Showbiz

Richard, nabitin sa piling ng pamilya

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Richard, nabitin sa piling ng pamilya
Richard at Sarah
STAR/ File

Hanggang kahapon ay ratsada pa rin si Richard Gutierrez at ang mga kasamahan niya sa Iron Heart, ang ABS-CBN teleserye kung saan kasama niya sina Maja Salvador (na isang freelancer na), Sue Ramirez, Jake Cuenca at iba pa sa kanilang location taping sa Cebu City.

Tinanong ko si Richard kung totoong pauwi na siya today ng Maynila?

Tapos na nga ba ang first lock-in taping nila sa tinaguriang Queen City of the South?

“Two more days,” sabi niya, “Thursday pa ang uwi namin.”

Pero kahit babalik sila ng Maynila, hindi naman daw magtatagal ‘yon.

“Quick turn around lang kami. Hindi ko pa sure when ang balik namin, pero ‘yon nga, sandali lang daw ang break namin at babalik din kami kaagad dito sa Cebu,” sey ng mister ni Sarah Lahbati.

Pero masaya si Richard na makakasama niya ang misis na si Sarah at mga anak na sina Zion at Kai dahil bitin daw ‘yung three days na pagbisita ng mga ito sa kanya sa Cebu.

Eh, two days pa naman sa tatlong araw na ‘yon ay nag-taping din si Richard.

Masaya rin ang aktor na mabibisita niya ang parents na sina Eddie Gutier­rez at Annabelle Rama.

Hopefully raw ay abutin naman sila ng weekend sa Maynila para makapunta sila sa family bonding nila on Sunday sa family house nila sa Quezon City.

Coco at Jodi, ratsada na sa shooting

As I write this item, madaling araw pa lang dito sa Los Angeles, California, pero may isa akong kinulit kung tuloy ba ang shooting ng Labyu with An Accent nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria.

Tuesday ang first taping day nila, so habang binabasa ninyo ito ay ratsada na si Coco at ang kanyang co-stars sa mga eksenang kailangang kunan sa kanilang first shooting day.

Eh, si Coco rin kasi ang direktor ng 2022 Metro Manila Film Festival official entry nila ni Jodi, kaya grabe ang trabaho niya.

Anyway, sa may Long Beach daw ang location ng first shooting day nila.

Maraming mga Pinoy sa lugar na ‘yon, kaya malamang na dumugin sila.

In fairness, nang i-announce naman nina Coco at Jodi sa two shows nila rito sa California ang tungkol sa Labyu with An Accent ay na-excite ang Fil-Am community.

May mga nagsabi pa nga na sana ay ipalabas daw rito sa sa Amerika ang Labyu with An Accent.

Bongga! ‘Yun na!

ABS-CBN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with