^

PSN Showbiz

Jasmine at bf na negosyante, matagal nang pinag-uusapan ang kasal

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Jasmine at bf na negosyante, matagal nang pinag-uusapan ang kasal
Jasmine Curtis-Smith at Jeff Ortega

Ngayon lang namin nakita ang non-showbiz boyfriend ni Jasmine Curtis-Smith na si Jeff Ortega nang magkasabay silang dumalo sa Filmmakers and Shakers Night ng FDCP na ginanap sa Gallery Miranilla by the Blueleaf sa Quezon City nung nakaraang Biyernes.

Nasa Tourism kasi si Jeff Ortega at meron silang binubuong project sa FDCP na may konek sa turismo ng bansa.

Magkahiwalay daw silang naimbitahan kaya magkasama na lang silang dumating.  

 Kaya nilinaw na rin namin kay Jasmine kung totoo bang nag-break sila ni Jeff. Nung pinu-promote ni Jasmine ang The World Between Us nila ni Alden Richards, ilang beses naming kinulit ito sa kanya, pero hindi niya sinagot.

Ngayon lang niya pinatulan ang tsismis na nag-break daw silang dalawa. “Nagulat kasi ako kung saan nanggagaling yun,” bulalas ni Jasmine.

Mariin niyang itinangging nag-break silang magkasintahan. “No! I mean, hindi ko sasabihing wala kaming problems. Meron. Nagkaka-problems. But I think siguro nung time na yun I wasn’t in a good headspace. Baka ako yung hindi kayang magsalita. Hindi kayang mag-share.

“I mean eversince, I’ve been open, honest, makuwento naman ako sa press.

“So, siguro nung panahon na yun may pinagdaraanan akong hindi ko kayang mag-share. Natatakot akong mag-share. 

“Hala! Baka pag sinyare ko ito, baka saan mapunta yung story, kasi wala pa kayong nasusulat nun, may mga input na. So, baka mamaya mas lumala pag may masabi akong hindi tama.

“Tingin ko kasi pag nakipag-break na ‘yun, parang alam ko…” bitin niyang pahayag.

Pitong taon na ang kanilang relasyon at seryoso na sila sa kanilang mga plano sa future.

“Actually, nung maaga pa yung relationship namin, napapag-usapan na siya,” pakli ni Jasmine sa tanong na wedding plans.

Kaya tinanong na rin si Jasmine kung ano ang dream wedding para sa kanya.  “Dati kasi gusto ko beach, sand, sunset. Iniisip ko, ngayon

parang hindi ko alam na puwede siyang maging totoo. Parang hindi ko alam, Siguro kahit saan. Basta happy din siya, nandun ang buong family niya, family ko.

“Our parents are not that young anymore. Both in the late 70s. So, yung madaling biyahe for both of us. Especially our dads, kasi sila yung nasa 78 na e. Iyun yung mas important sa amin.”

Macbeth, may pa-anniversary rakrakan!

Matinding rakrakan ang magaganap sa darating na Sabado, October 8 sa Metrotent Convention Center sa Pasig.  

Malaking selebrasyon ito ng 20th anniversary ng Macbeth footwear and apparel. Pero ang kaabang-abang dito ay ang pagsasama-sama ng mga kilalang banda kagaya ng Rico Blanco, Chelsea Alley, Urbandub, Mayonnaise, Chocolate Factory, Written by the Stars, at marami pa.

Actually, 10 years na selebrasyon ng Macbeth dito sa Pilipinas at 20 years na worldwide.

Mula 11 ng umaga hanggang hatinggabi ang selebrasyon. Pero ang pinaka-highlight nito ay ang fashion show na kung saan ilulunsad ang Lady Macbeth at Macbeth Underwear.

Kaabang-abang kung paano mapagsama ang mga banda sa kakaibang fashion show na ito.

 Kaya sa mga interesadong manood, makakakuha kayo ng ticket o show invite, sa halagang 1200 na merchandise ng Macbeth.

Puwede rin kayong bumili ng ticket sa halagang 600 pesos.

Maingat lang ang organizer ng Macbeth sa araw na iyun para masunod lang ang safety protocols.

Dapat ay 18 years old and above lang ang allowed na makapasok sa concert area.

Below 18 ay dapat may kasamang adult, at dapat ay fully vacci­nated.

JASMINE CURTIS-SMITH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with