^

PSN Showbiz

Quezon City, saktong maging film capital ng Pilipinas

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Quezon City, saktong maging film capital ng Pilipinas
Chair Tirso at Mayor Joy
STAR/ File

Inilunsad na ang ika-10th edition ng Qcinema sa pangu­nguna nina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Film Development Council of the Philippines chair Tirso Cruz III, kamakailan.

Nakatakda ang Qcinema sa Nob. 17 hanggang 26.

“If we give opportunities to our talented filmmakers and build an environment where they can thrive, they can bring glory to our city and country. It started with a dream. I dream of Quezon City as the film capital of the Philippines,”  pahayag ni Mayor Joy na isa sa talagang sumusuporta sa pelikulang Pilipino.

Nabanggit din ni Mayor Joy sa nasabing event ang ilan sa mga naiambag ng QCinema sa local movie industry.

Kabilang dito ang 105 full length movies, documentaries at short films.

Kaya naman, puwedeng-puwede nga namang maging film capital ang QC.

Ang QC ang may pinakamaraming bilang ng mga sinehan, in fact one third daw ng lahat ng mga sinehan sa Metro Manila ay andito. Ang mga ito ay matatagpuan sa iba’t ibang mga mall. Kasama na rito ang mga sinehan sa Alimall at Gateway, SM North at Trinoma. Fisher Mall, Eastwood, Ayala Terraces, SM Fairview, Robinsons Galleria at Robinsons Magnolia.

Nangako naman si FDCP Chair Tirso na susuportahan ang ­Qcinema. Sinabi niya na ang pinamumunuan niyang ahensya ng gobyerno ay magbibigay ng grant sa sasaling filmmakers para sa susunod na  edisyon ng Qcinema ng P100,000 para sa short film at P1milyon para sa full-length film.

Ang pagbabalik sa Qcinema ay naka-line up na ang cinematic gems na nagmula sa mga kilalang film festival sa buong mundo tulad ng Cannes, Berlin, Sundance, at Venice.

JOY BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with