^

PSN Showbiz

Kahit magkasama na sa bahay...Donita Rose, virgin ang pinakasalan!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kahit magkasama na sa bahay...Donita Rose, virgin ang pinakasalan!
Donita Rose at Felson Palad

Sabi nga ng writer na si Paulo Coelho, “God always offers us a second chance.”

At ito ang binigay sa dating actress / DJ na si Donita Rose.

Kahapon ay ikinasal na siya sa karelasyon na si Felson Palad. “Surely your goodness and unfai­ling love will follow me all the days of my life, and I will dwell in the house of the LORD forever,” sabi ni Donita na may isang anak sa dating mister na IT expert na nakabase rin sa Amerika.

Cute naman ang caption ng singer na mister na ni Donita : “Finally I’m no longer a virgin it took 37 years.”

Though may ibang napa-react na baka naman joke lang.

Kasi gulat sila na may ganun pa pala, isang virgin sa edad na 37.

Kaya ang mga Marites, naloka.

So kahit daw nagsi-share sila sa apartment, walang nagaganap na pagtatalik o platonic love lang? May ilang source nga ang nagkuwento na nagsasama na sila sa isang apartment sa Orange County.

Parehong Christian ang bagong mag-asawa kaya sigu­ro ganun.

Ang anak ni Donita ang naghatid sa kanya sa altar na twice a week lang daw nagbabakasyon kay Donita.

Anyway, wondering naman ang source ko kung bakit nagkaroon ng away sina Donita Rose at G. Toengi na parehong sa Amerika na naninirahan.

Tungkol daw kaya ito sa pagpapakasal ni Donita na feeling daw ng iba nitong mga kaibigan ay minadali?

Ahh bukas ang pahinang ito sakaling gusto nilang magpaliwanag tungkol sa intriga.

Matagal nang wala sa showbiz sina Donita at G pero aktibo sila sa social media kaya parang andito pa rin sila.

 

DONITA ROSE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with