^

PSN Showbiz

Abogado ni Deniece ipapa-contempt ang misis at abogado ni Vhong, Sen. Bong nakiusap na ‘wag munang husgahan ang komedyante

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Abogado ni Deniece ipapa-contempt ang misis at abogado ni Vhong, Sen. Bong nakiusap na âwag munang husgahan ang komedyante
Vhong Navarro.

Inihahanda ng kampo ni Deniece Cornejo sa pangunguna ni Atty. Ferdie Topacio ang isasampang contempt matapos ngang maglabas ng damdamin sa media ang misis ni Vhong Navarro na si Tanya Bautista-Navarro.

Ayon kay Atty. Topacio : “Now preparing contempt charges against Atty. Alma Mallonga and Vhong Navarro’s wife for making statements that are sub judice in nature. We will not sit idly by while some people again make a mockery of justice by having another trial by publicity,” mensahe ni Atty. Topacio sa Viber.

At nang tanungin ko kung kelan ito : “Asap. We are just collating all their public pronouncements that are sub judice. We are also contemplating filling disciplinary action against Atty. Mallonga.”

As of this writing ay wala pang sagot ang kampo nina Vhong at Atty. Mallonga.

Pero ang isa pang nag-aapela ay si Kat Alano na nakakatanggap ng matinding bashing sa kasalukuyan sa paglalantad na nagahasa siya bagama’t hindi niya pinapangalanan kung sino ang may kagagawan nito : “Ang daming galit. Binayaran daw ako, laos na daw ako, sawsawera. 8 years na ako nagsasalita. Puro bashing lang ang natanggap ko. Sa tingin niyo worth it magsalita para inaabuso ako ng mga fans niya? Sa tingin niyo lalaban talaga ang ibang victims pag nakita nila ugali niyo!”

Samantala, natanong naman kay Sen. Bong Revilla, kung anong komento niya o may payo ba siya kay Vhong dahil maaalala ring nakulong noon si Sen. Bong. “Kung talagang ginawa niya ‘yon, makikita naman ng korte ‘yan, pananagutan n’ya ‘yon. Kung hindi naman niya ginawa, that is so unfair for him na magdusa siya sa kulungan nang wala siyang kasalanan. Kaya I just hope na mapabilis ‘yang pag-resolve ng kaso na ‘yan, whether guilty or not. Pwede naman ipa-fast-track ‘yung hearing n’ya.

“Pero how many years na ‘yan, tagal nang pinag-uusapan ‘yan. Nandu’n  pa ‘ko sa loob ng Crame, issue na ‘yan,” maingat na sagot ni Sen. Bong sa ginanap na birthday blowout niya sa entertainment press kahapon kasama si Cong. Lani Mercado, anak na sina Cong. Jolo Revilla at si Coun. Ram.

“Ang sa ‘kin lang, mabigat magbatuhan ng putik. Hindi natin alam kung ano talaga totoo d’yan. Kaya ang masasabi ko lang, kung talagang walang kasalanan, dapat matapos na ‘yan. Kawawa naman ‘yung tao magsa-suffer nang walang kasalanan. Pero kung talagang nagkasala siya d’yan dapat harapin niya ‘yon,” sabi pa ng senador na magse-celebrate ng kanyang 56th birthday sa Sept. 25, Sunday.

VHONG NAVARRO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with