^

PSN Showbiz

Rhian, nahanap na ang kaligayahan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Rhian, nahanap na ang kaligayahan
Rhian at Sam
STAR/ File

Bakit ko mahal si Rhian Ramos? Kasi very honest siya, itanong mo, sasagot siya. Hindi magtatago. Ilalambing lang niya na huwag mong isulat o sabihin sa iba.

Tulad ng relasyon nila ni Sam Verzosa, open sila pero hindi mai­ngay. Basta iyon lang, maligaya sila. Wala silang sinasaktan na tao, walang inaabala, walang tinatapakan. Kung meron mang naging past, inayos na nila, kaya ok ang lahat.

Naalala mo nang itanong natin kay Sam noong in-interview natin siya, Salve, sabi niya kay Rhian itanong. Kaya up to now, heto, tuloy ang ligaya nila, na sana forever na.

Congrats, Rhian, for finding happiness.

Mga kabataan, dapat mag-enjoy sa pagbiyahe

Siguro, Salve, remember mo rin ngayon ‘yung sabi mo nga crazy rich Asian feeling ‘pag rumarampa sa Paris at New York. Hindi ba ang sarap na ‘yung nakikita lang natin sa postcards nakita na rin natin in person.

Iba talaga when you travel young. ‘Yung energy, curiosity, malaking bagay para lalo mong ma-enjoy ang mga nakikita mo.

Enjoy the pleasure of traveling while young, dahil mas masarap maglakad at lumibot ng ibang lugar nang hindi nakasakay. At mas marami kang discovery ‘pag mag-isa ka.

Enjoy natin ang mundo now, dahil araw-araw iba-iba ang mga nangyayari.

RHIAN RAMOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with