Showbiz, isang malaking pamilya

Lolit at mga kaibigan
STAR/ File

Nagtataka naman ako ‘pag may naririnig na nanghihingi ng tulong at nahihirapan pag nagkaroon sila ng problema.

Kasi nakita ko na ang daming willing tumulong at magbigay. Imposible naman na iba ang trato nila sa iba na narinig nila na may problema.

Sure ako na kahit kanino ganun din sila ka-generous, ganundin sila ka-open sa pagtulong.

Kaya nga napakabait ng showbiz sa pagmamahal sa mga kasamahan nila.

Protective sila sa members nila. They help one another, kaya naman parang isang big happy family ang showbiz.

Forever together ang lahat, kaya nga ang sarap maging taga-showbiz. May warmth, may love kang nadarama.

Ang sarap-sarap talaga dahil lahat ng magagandang bagay mangyayari sa buhay mo. ‘Yung mga pangarap mo matutupad mo. Parang ang dali ng tagumpay ‘pag nasa showbiz ka. Naranasan iyan ng lahat ng nag-umpisa sa showbiz lalo na ang writers.

Mahirap sa una, pero ‘pag naumpisahan na tuluy-tuloy na. At ‘pag nandu’n ka na, bongga, ayos na ang buhay mo at ganda na ng career mo. There is no business like show business.

Show comments