^

PSN Showbiz

Kris, wala sa character ang pagsuko!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kris, wala sa character ang pagsuko!
Kris
STAR/ File

Hindi ako naniniwala na hindi lalaban si Kris Aquino para gumaling siya sa kanyang sakit. Kahit ano pang sabihin ninyo born fighter si Kris, at lalo pa nga at nandiyan sina Joshua at Bimby.

Hindi papayag si Kris na hindi makita ang paglaki ng dalawa at maayos ang kinabukasan nila. Saka si Kris  will never give up basta alam niya na meron pang paraan para malagpasan mo ang problema.

Napakataas ng wisdom ni Kris para basta mag-give up.

For the sake of Joshua and Bimby, pray tayo na gumaling at maging malakas uli si Kris.

Marami namang prayer warriors na tiyak nagdarasal para sa kanya.

‘Hindi ako nagso-solicit’

Alam mo ba, Salve, na akala ni Pat-P Daza nagso-solicit ako ng ayuda tuwing thank you ako sa mga taong gustong tumulong o kaya nagbigay ng show of support?

Sabi ko kay Pat-P, naku mas marami pa nga akong tinanggihan dahil ayokong magkaroon ng favor sa kanila. Ayoko kasing magkaroon ng sense of gratitude sa mga hindi ko naman gustong tao.

Eh ako basta binigyan mo ng favor never kong makakalimutan. At kung puwedeng doble ang ibayad kong favor sa binigay sa akin.

So iwas ako doon sa hindi ko type, ‘yung gusto ko, tanggapin ko, at dear Pat-P, for your info mas marami ang hindi ko tinanggap.

Kaya nga naisip ko talagang mukha akong poor kasi nga ang da­ming gustong magbigay ng financial ayuda, magbayad ng dialysis ko, kidney transplant, mga gamot.

Siguro nga, in my naughty life, I have done something good along the way, kaya good karma naman now na maysakit ako.

Basta huwag kang mag-alala, Pat-P, hindi ako nagso-solicit, kusang dumarating ang mga ayuda.

At heto ang sasabihin ko, sure ako na ‘pag kailangan kong mag-solicit, kahit P1M madali kong makukuha, sa dami ng rich Asian friends ko, sure ako.

BIMBY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with