^

PSN Showbiz

Julia, ayaw tigilan ng mga marites sa pagiging ‘chubby’

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Julia, ayaw tigilan ng mga marites sa pagiging �chubby�
Julia, Sharon at Coco.

Hindi talaga mapakali ang karamihan nang ipinost ni Sharon Cuneta ang Thanksgiving party ng Ang Probin­syano na ginanap sa Manila House sa BGC nung nakaraang Miyerkules.

Naiintriga sila sa malusog na pangangatawan ni Julia Montes at parang tinatakpan nito ang medyo malaking tiyan.

Ilan sa mga taga-Probinsyano ang napagtanungan ko tungkol kay Julia at kinumusta ko, halos iisa ang sagot nila.

Medyo chubby lang daw ang aktres. ‘Yun lang ang simpleng sagot, at wala namang sagot na hindi naman buntis.

Hindi na kami sinagot sa iba pa naming katanungan, basta chubby lang daw. ‘Yun lang!

Naintindihan naman namin kung tikom ang bibig nila sa isyung buntis, dahil wala sila sa posisyon para sagutin ito.

Sina Coco Martin at Julia lang ang makakasagot sa isyung ito.

Kung nanatiling tahimik sila, karapatan naman nila ‘yun.

Pero hindi naman mananahimik ang mga Marites sa pag-speculate hangga’t wala silang ibinibigay na pahayag kaugnay sa isyung ito.

Sana magsalita na sila, total tapos na ang Ang Probinsyano.

Ken, 10 na ang gasoline stations!

Nakakatuwa ang pagpupursige ni Ken Chan na ma­ging successful businessman.

Ang laki raw ng rea­lization sa kanya nitong nagka-pandemic dahil dito niya napagtanto na dapat ay magsimula na siyang mag-put up ng sariling negosyo.

Taong 2020 lang daw nila pinlano at naitayo itong mga negosyo nilang kakaibang restaurant na matagal nang pinangarap ni Ken Chan.

Kumain kami sa kanyang Café Claus na nakakatuwa dahil Christmas na Christmas ang ambience.

“Gusto ko talaga Chinese restaurant, kasi mahilig ako sa Chinese food. Pero nung tumatanda ako, ang sabi ko, ang dami ng iba’t ibang restaurants na…paano kaya magiging unique.

“So, nag-isip po ako. Napansin ko dito sa Pilipinas, we celebrate na simula ‘ber month’ hanggang January.

“Nagsi-celebrate tayo Pinoy ng Christmas. Ni isang Christmas Café or Restaurant, wala. So, nung pumunta po ako sa New York, nakita ko ang daming Christmas Café dun, Christmas Restaurants na kahit hindi Pasko, bukas.

“Sabi ko, bakit walang ganito sa Pilipinas? Sayang ‘yung pagkakataon. So, I took that opportunity na dalhin ko ito sa Pilipinas.”

Wala pang isang taon, magtatatlong branches na ang kanyang Café Claus.

Una niyang itinayo ang sa Tandang Sora, Quezon City malapit sa bahay niya. Sumunod ang sa Greenhills, at sa Sept. 18 ay bubuksan niya ang pangatlong branch sa Eastwood City.

Bukod sa kanyang Café Claus, may 10 gas stations na rin pala si Ken, ang Ifuel gas station na matatagpuan sa iba-ibang probinsya. Meron daw sa Cavite, Pampanga, Bulacan, Antipolo, Tarlac at may tatlong branches sa Cebu.

“Mas sa probinsya po kami, kasi malakas po ang gas station sa probinsya,” pakli ni Ken.

Masaya na raw siya na nakapagpundar na siya ng ganitong negosyo dahil matagal na raw talaga niya itong pinangarap.

Ito raw ang epekto nung natigil silang magtrabaho sa showbiz. Dapat daw talaga merong fallback na negosyo.

“Ito ‘yung sinasabi ni Kuya Germs before, na kailangang mag-business mag-business.

“So, malaking impact sa akin ‘yung COVID. ‘Yung pandemya, kung bakit lumakas ‘yung loob ko na magtayo ng… to put up my own business,” saad ng Kapuso actor.

Partner daw niya rito ang kapatid niya, at ilang malalapit na kaibigan.

Konti lang naman daw sila, para madaling i-manage.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with