^

PSN Showbiz

Heart, ‘di pa-baby!

TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Heart, âdi pa-baby!
Heart
STAR/ File

Isa sa hahangaan mo kay Heart Evangelista ay ‘yung pagiging head on niya sa mga intriga.

Talagang hinaharap niya lahat ng issues ng hindi pa-baby effect.

Talagang kita mo ang strength ng character niya sa pag-handle ng problema.

Very good example siya ng isang star na hindi nawawala ang poise pagdating sa issues kaya naman lahat gusto siyang kausapin.

Kasi matalino siyang sumagot, hindi maarte, hindi pa-baby na maeklay.

Very intelligent at smart. No wonder hindi nawawala si Heart kahit hindi active, dahil may sarili na siyang level as a celebrity.

Isa pang plus factor niya ‘yung matalino siya kaya naha-handle niya ang mga bagay na dumarating sa kanya.

Bongga, kaya up to now top celebrity siya.

‘Hindi magpapaapi…’

Natatawa ako dahil baka akala ng iba dahil nagkasakit ako wala na ako sa fighting form.

Naku noh, kahit nagkaroon ako ng sakit umaandar pa rin ang utak ko at hindi puwedeng apihin ng kahit sino.

Up to now, ako pa rin si Lolit Solis, ‘yung confrontational, at what you see is what you get type of person. Natawa ako dahil para bang akala ng iba wala na ako sa sitwasyon na puwedeng sumagot sa mga kagagahan ng iba.

O ‘yung hindi na ako puwedeng makipaglaban para sa mga alaga ko.

Hoy, hindi n’yo pa rin sila kayang apihin noh, andito pa ako. Lalabanan ko pa rin ang mga gustong pumapel at magyabang na kaya nila akong apihin.

HEART EVANGELISTA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with