^

PSN Showbiz

Jodi at Joshua, nakasungkit ng award sa mga estudyante

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Jodi at Joshua, nakasungkit ng award sa mga estudyante
Jodi Sta. Maria.

Nasungkit ng ABS-CBN ang 16 na parangal, kasama na rito ang Digital Media Network of the Year para sa Kapamilya Channel at Best TV/Digital News Platform para sa ABS-CBN News, sa The Golden Laurel 2022: The Batangas Province Media Awards ng Lyceum of the Philippines University-Batangas.

Kinilala rin ang TV Patrol bilang Best TV/Digital News Platform pati ang anchor nito na si Bernadette Sembrano bilang Female News Anchor of the Year.

Wagi rin sa Golden Laurel 2022 ang mga Kapa­milya artists na sina Jodi Sta. Maria (Best Drama Actress for The Broken Marriage Vow), Joshua Garcia (Best Drama Actor for Viral Scandal), Angel Locsin (Most Inspiring Social Media with Social Cause Category), at Kathryn Bernardo (Most Inspiring Social Media Personality Life-style/Entertainment Category).

Samantala, pinarangalan din ang entertainment shows ng ABS-CBN kabilang na ang It’s Showtime (Best Variety Show and Best Variety Show Hosts), Magandang Buhay (Best Celebrity Talk Show), Maalaala Mo Kaya (Best Drama Anthology Program), at The Broken Marriage Vow (Best Drama Series).

Panalo rin ang Lingkod Kapamilya sa TeleRadyo hosts na sina Bernadette Sembrano at Edric Calma bilang Best Public Service Program Hosts. Inuwi rin ng kanilang programa ang Best Public Service Program award.

Pinagbotohan ng mga estudyante, empleyado, at partner schools sa Batangas province ang mga nanalo sa The Golden Laurel 2022.

Ginanap ang awarding ceremony sa Freedom Hall ng SHL Building, Lyceum of the Philippines University-Batangas, Capitol Site, Batangas City noong Huwebes (Agosto 4).

JODI STA. MARIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with