^

PSN Showbiz

'Respeto sa asawa': Matteo Guidicelli sinita Alex Gonzaga sa jokes tungkol sa ex-jowa

Philstar.com
'Respeto sa asawa': Matteo Guidicelli sinita Alex Gonzaga sa jokes tungkol sa ex-jowa
Makikitang pinagsasabihan ni Matteo Guidicelli si Alex Gonzaga, ika-11 ng Agosto, 2022, matapos silang mag-asaran tungkol sa mga dating nakarelasyon habang on-air.
Video grab mula sa Brightlight Productions

MANILA, Philippines — Hindi napigilan ng TV host na si Matteo Guidicelli na pagsabihan ang co-host na si Alex Gonzaga, Huwebes, matapos simulan ng ikalawa ang pang-aasar sa una patungkol sa kanyang ex-girlfriend habang napapanuod ng publiko.

Ika-10 kasi ng Agosto nang paulit-ulit biruin ni Alex sa isang palabas sa TV5 si Matteo kay Maja Salvador (dating nobya ng aktor), kahit na matagal nang kasal ang ikalawa sa singer-actress na si Sarah Geronimo. 

Gumanti tuloy si Matteo at ni-name drop na ang ex-boyfriend ni Alex na si Kean Cipriano, dating bokalista ng Callalily.

"Lex, itigil na natin ang pagbiro sa mga asawa natin dahil mga ex na iyan eh," wika ni Matteo habang ineere ang noontime show nilang "Tropang LOL," Huwebes.

"Tapos na iyon at maawa naman tayo kay konsehal [Mikee Morada] at sa asawa ko [Sarah]."

Si Morada, na nanunungkulang konsehal ng Lipa City, Batangas, ay kilalang mister ni Alex.

Matapos ang insidente, kumalat ang ilan pang video kung saan makikitang inaasar ni Alex si Matteo sa co-host na si Laboching. Halatang iwas ang aktor habang nangyayari ito.

"Dahil kagabi umiyak na talaga ako dahil sa'yo [Alex]. Dahil nasasaktan ako para sa asawa ko. Tigilan na natin. Naste-stress din 'yung editor natin," wika pa ni Matteo.

"So 'Tropang LOL,' irespeto natin ang mga asawa natin. Mag-usap na lang tayo tungkol sa kuko mo."

Kaugnay ng insidente, trending tuloy sa Twitter sa ngayong araw ang mga katagang Alex Gonzaga at Matteo. 

Wala pa namang public comments sina Sarah at mister ni Alex patungkol sa nangyari. — James Relativo

ALEX GONZAGA

MATTEO GUIDICELLI

MIKEE MORADA

SARAH GERONIMO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with