^

PSN Showbiz

Nonoy at Hajji, na-COVID-19 nang mag-concert sa US

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Nonoy at Hajji, na-COVID-19 nang mag-concert sa US
Four Kings and a Queen
STAR/ File

Na-COVID pala sa Amerika sina Noynoy Zuñiga at Hajji Alejandro nang magkaroon sila ng concert tour para sa Four Kings and a Queen.

Nagkaroon sila ng four shows sa iba’t ibang cities doon pero sa concert nila sa L.A ay nahawa sila ng virus.

Kaya delayed ng one week ang concert nila doon dahil lahat sila ay nag-quarantine.

Binubuo nina Nonoy, Hajji, Marco Sison and Rey Valera with Pops Fernandez ang Fours Kings and a Queen na ngayon ay mapapanood na rin Newport World Resort sa Aug. 26 and 27. “Kaming dalawa lang saka ‘yung misis nung director namin, si Jen. Very mild lang. Just a few days,”  kuwento ng orig kilabot ng kolehiyala na si Hajji.

Pero ang kinatutuwa nila, sold out lahat ang kanilang apat na shows sa Amerika.

Maraming beses na nilang pinatunayan ang kanilang timelessness kahit na nga ang dami nang nagdadatingang ibang singer at genre ng musika. May dagdag-bawas ang mapapanood na concert nila rito.

“May konting bawas at saka meron konting dagdag kasi mas pagagandahin pa namin,” dagdag ni Hajji tungkol sa magaganap nilang concert sa bansa.

“Nagkaroon ng time constraint eh, pagka-Casino kasi strictly two hours lang. Itong mga ‘to ‘pag hindi mo pinagbawalan talagang three days and two nights actually ang haba ng magiging… sa speed pa lang ‘yun ha. Kasi nag-enjoy talaga kami. We’re given a time, window kung saan talaga dapat ano… nagagawan naman namin ng paraan. Pinipili lang talaga namin ‘yung mga… ginawa namin sa Amerika, ‘yun ang gagawin namin sa concert namin,” aniya pa.

First time itong nakasama ng apat na OPM hitmakers si Pops at pulos papuri sila rito. Komedyante raw si Pops at laging kalmado sa lahat ng mga nangyayari.

Under the musical direction of Gerry Matias ang The Four Kings and a Queen.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with