^

PSN Showbiz

Sharon, nagpatung-patong ang mga problema

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sharon, nagpatung-patong ang mga problema
Sharon
STAR/ File

Devastated si Sharon Cuneta sa biglaang pagkawala ni Cherie Gil. Matagal din ang friendship nila kaya parang isa nang kapatid ang nawala sa kanya.

Totoong nakabigla sa lahat ang balitang namatay si Cherie na parang kailan lang lumabas pa sa isang serye ng GMA, ang Legal Wives.

So young, so talented.

Isang malaking kawalan sa showbiz.

Pero si Sharon lately ay parang maraming personal issues kaya naman siguro nag-overlap ang mga problema niya. Huwag sana siya sobrang ma-stress para cool at no problem ang buhay niya.

Nandiyan naman at mukhang solid ang family niya, kaya lucky her pa rin naman siya.

Beautederm, bongga ang bagong toothpaste

Nagpadala si Rhea Tan ng Beau­tederm ng mga toothpaste na Koreisu na nabasa ko na kumbinasyon ng mga Nihongo na salita na KOKOTARU (bright), URESHII (happy), at TISU (teeth).

Bagong product ito ng Beau­tederm kaya baka bongga nga dahil alam mo namang top of the line lagi ang pro­ducts na ginagawa ng kumpanya ni Rhea.

Kaya naman dapat lang na matuwa tayo dahil may bago na naman tayong magagamit na talagang maaasahan mo na bongga ang magiging resulta. Kaya sure ako na ang toothpaste at mouthwash na Koreisu ay magiging in demand agad sa market.

Ipakita mo na ang iyong brigh­test, happiest teeth, at lasapin ang kumpletong oral care package kasama ang Koreisu Fami­ly Toothpaste at Etré Clair ng Beautéderm.

Bongga ang Beautéderm Corporation, sinimulan na ang month-long 13th anniversary celebration nito kasama ang social media star na si Zeinab Harake bilang oral care brand ambassador sa pamamagitan ng Koreisu Family Toothpaste at Etré Clair.

Congatulations ulit, Rhea. Ikaw na talaga.

CHERRY GIL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with