^

PSN Showbiz

Lead stars ng drama serye, may lihim na away

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Ramdam ang ‘di pagpapansinan ng dalawang lead stars ng isang drama series sa nakaraang Gala night ng GMA 7.

May ilang nagtanong sa amin kung may isyu ba sa dalawang artistang ito, pero wala kaming nasagot dahil wala na kaming balita sa kanila.

Wala rin kami doon sa Gala night, kaya hindi ko naobserbahan kung meron ba talagang isnabang nangyari.

Kuwento kasi sa amin, malaki raw ang ballroom, at magkakalayo ang tables. Maaaring magkaiba sila ng table, kaya hindi nagkaroon ng chance na magkatsikahan.­

Pero walang may nakakuha ng litratong magkasama sila. Kaya pinagdudahang nag-iiwasan.

Tahimik lang ang dalawang artistang ito, at kahit sa kanilang social media ay wala namang naipu-post na nakakaintriga.

Aalamin pa natin kung meron ba talagang problema ang dalawang ito.

Sean at tatay, nagkita na pagkatapos ng 12 taon

Napanood ko ang halos lahat na mga nagawa ni Sean de Guzman na pelikula sa Vivamax, pero itong huli niyang ginawa, ang The Influencer ang isa sa magandang nagawa niya.

Si Louie Ignacio ang direktor nito at first time niyang nakatrabaho si Sean at ang leading lady nitong si Cloe Barreto.

Sobrang kumportable na sina Sean at Cloe kaya pinagtatawanan na lang daw nila ang sex scenes na ginawa nila sa pelikulang ito.

Hindi rin nahirapan si direk Louie sa kanilang dalawa, lalo na sa mga maseselang eksena.

Mapapanood ang The Influencer sa Vivamax sa darating na Aug. 12.

Masaya si Sean nang nakatsikahan namin sa press preview ng naturang pelikula.

Naikuwento niya sa aming nagkita na raw sila ng kanyang ama, na halos 12 years nilang hindi nakikita.

Ang kaswal lang ng pagkakuwento sa amin ni Sean kung paano dumalaw sa kanila ang kanilang ama. “Dumalaw na po siya sa bahay two days ago po,” pakli niya.

“Actually, ‘yung bunso naming kapatid ‘yung kausap niya. Kasi, ‘yung bahay po namin sa Antipolo, malapit ‘yung pinagtatrabahuhan niya.

“So, dumalaw po siya. Ayun, nagkakumustahan kami. Casual talks lang. Pero sabi ko po naman, mag-iingat po siya palagi, ganun.”

Nakakatawa pa ang kuwento ni Sean, na ang ending daw ng reunion sa kanilang ama, nagkainuman daw sila ng kanyang Mama.

“Nagkayayaan silang dalawa ni Mama na mag-inuman sa bahay!,” natatawa niyang kuwento, lalo nang tinanong namin na baka magkabalikan pa ang Mama at Papa niya.

“Hindi natin alam pero… Why not?,” bulalas ng sexy actor. “Baka pagbalik ko, ‘di ba? Magkatabi na uli,” napahalakhak na pahayag ni Sean.

Garrett, makikipagkita sa kapatid

habang nasa miss saigon

Ang lakas ng ulan kahapon nang tumulak patungong Guam ang Kapuso Soul Balladeer na si Garrett Bolden.

Magiging bahagi Garrett sa Miss Saigon na magkakaroon ng special performance sa Guam.

Excited ang magaling na singer dahil ngayon lang niya ma-experience ang mag-perform sa isang musical play, at Miss Saigon pa.

Gagampanan niya roon ang role bilang si John Thomas.

Matagal na rin naman daw niyang pangarap nang subukang ang theater at unti-unti na ito.

Kung mabibigyan daw ng chance, susubukan daw niyang magpa-audition sa iba pang musicals para tuluy-tuloy na ang pagta-teatro niya. “Gusto ko po talaga ma-experience ‘yung theater. ‘Yung mga kasama ko po, mga katrabaho ko po sa All-Out Sundays, like sina Ate Aicelle (Santos), nakikita ko ‘yung difference nila as performer as a singer, and it’s one thing na I really wanted to try, and I wanted to know about this ‘yung teatro po. And I’m really glad na it’s happening, and looking forward din po na if there’s any more opportunities na puwede kong pasukin at kakayanin po, I will try po,” pahayag ni Garrett.

Nagkakaroon din ng chance si Garrett na ma-communicate ang iba niyang kapatid sa kanyang ama sa Amerika.

Sana raw ay matuloy ang balak ng mga kapatid niya sa Amerika na puntahan siya Guam para panoorin ang kanyang performance. “Nakakausap ko po sila, and hopefully po kapag okay naman po ang schedules and they can fly po to Guam,” pakli niya.

Good luck kay Garrett na isa sa pinakamagaling na produkto ng The Clash.

GMA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with