^

PSN Showbiz

Parang panaginip…

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Alam mo ba, Salve, na hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na nagkasakit ako?

Para bang isa lang panaginip ang lahat, ‘yung na-hospital ako, ‘yung umuwi ako, at ngayon dalawang beses sa isang linggo na nagda-dialysis ako.

Everything was just a dream, na para bang dumaan lang sa isip ko. Para tuloy isa lang props ang tingin ko sa catheter na nasa leeg ko, at ‘yung inilagay na fistula sa braso ko parang hindi ko na lang alam kung bakit meron ako.

Kinaiinisan ko ang twice a week na pagpunta sa hospital dahil sa dialysis na apat na oras ang itinatagal ng proseso at talagang horror patient ang peg ko dahil panay complain ang alam kong gawin. Hah hah, talagang karmatic ako, pinagdudusa nila ako, imagine mo ang hirap maligo ng may catheter ka sa leeg, fistula sa braso, wow, talagang gusto nilang maging Lolit wah ligo ang beauty ko.

Hay naku, tingnan natin, sure ako sa ending ako pa rin ang wagi, sa tigas ng ulo ko noh!
Pero Bongga ang Vilma Santos at Mama Alice Eduardo ko. Talagang nagpadala sila ng famous Lipa Suman at dragon fruits. Talagang love ako nina Ate VI at Mama Alice dahil nabalitaan lang nila na may sakit ako, heto na agad ang kanilang pasabi na anytime, nandiyan sila, isang text ko lang. Bongga.

Thank you, Ate Vilma Santos at Mama Alice Eduardo, forever grateful.

vuukle comment

LOLIT SOLIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with