Concert produ sa Amerika, namahalan sa presyo ni Gabby!

Gabby
STAR/ File

Kauuwi lang pala ng ‘Pinas ni Gabby Concepcion mula sa Honolulu, Hawaii.

Pero babalik ng Amerika si Gabby sa Aug. 15 dahil magbabakas­yon daw muna roon ang Kapuso actor dahil wala pang new project sa GMA 7 after ng First Lady series niya with Sanya Lopez.

Pero ang bongga ni Gabby dahil may mga kausap siyang producers ng shows sa Amerika kaya hindi lang basta bakasyon ang ipupunta niya roon.

May ilang shows daw ang Kapuso actor.

May isang taga-Seattle, Wa­shington akong kausap at nakakasa na raw for Sept. 17 ang dinner show roon ng tatay ni KC Concepcion.

Meron din daw sa Houston, Texas. May San Diego, California at iba pang shows kaming narinig.

Ang chika sa akin ng isang tinanong ko from Los Angeles, California, may kinakasang show rin daw for Gabby, pero mukhang hindi matutuloy ‘yon dahil mataas daw ang talent fee ng Kapuso actor.

Well, sana maayos ‘yon dahil marami pa namang fans si Gabby sa LA, huh!

Anyway, kaya pala umuwi muna ng ‘Pinas si Gabby ay dahil aayusin ang working visa niya para sa kanyang concert tour sa Australia.

Ang bongga ni Gabby dahil marami siyang shows sa Australia, huh!

Bale aabutin daw sa Australia si Gabby sa kanyang birthday sa Nov. 5.

Naku, Ateng Salve, bibilib ka rin sa pagiging in-demand pa rin ni Gabby hanggang ngayon, huh!

Show ni Vina sa Cali, hindi natuloy

Naku, today, may show si Vina Morales sa San Diego, California, pero ‘yung show dapat niya last Friday sa Pomono ay bigla palang hindi natuloy.

Tinext ko kahapon si Vina kung ano ang nangyari at pinadala niya sa akin ‘yung art card na pinost ng producer tungkol doon.

Due to some unforeseen circumstances daw kaya hindi natuloy ang Your Love show niyang ‘yon with Jim Brickman.

Well, ‘yung ibang mga show naman daw ni Vina na naka-schedule ay tuloy naman daw.

Malacañang, special request sa abroad

Ang bongga lang dahil mismong mga Pinoy pala abroad ang nag-i-inquire sa Viva Films dahil gusto nilang magkaroon ng premiere night ang Maid in Malacañang sa mga lugar kung nasaan sila.

Sila mismo ang nag-o-oraganize, huh!

Actually, kahapon nga ay may isa akong friend na tumawag sa akin at tulungan ko raw siyang kausapin ang mga taga-Viva Films para magkaroon ng premiere night sa lugar nila at sana raw ay maka-go si Ruffa Gutierrez at dapat daw ay mala-Madame Imelda Marcos ang ayos niya.

Bongga! ‘Yun na!

Show comments