Tsinitong aktor, boy toy ng writer!

Isang baguhang tsinitong actor ang umano’y boy toy ng isang writer sa TV at pelikula.

Kaya pala sabi ng aming source, nabibigyan ng markadong papel ang newbie actor sa project na sinulat ng writer, huh!

Gulat nga ang aming source kung bakit natipuhan ng writer ang baguhan eh hindi naman ito katangkaran at looker sa unang tingin!

Kung nasusubaybayan ninyo ang projects ng writer, asahan ang pre­sence ng nasabing baguhan at kahit maiksi ang role eh pasabog naman ang dating!

Empoy, sasalang sa Bubble Gang

Makikipagkulitan ngayong gabi sa Bubble Gang cast ang komedyanteng si Empoy!

Yes, unang salang ito ni Empoy matapos mawala sa ABS-CBN!

Makakasama rin tonight ang TikTok star na si Justine Luzares na regular na napapanood sa Eat Bulaga na isa sa Maritess.

Show comments