Tirso, ‘di nag-apply sa FDCP!

Tirso Cruz III.

Hinihintay na ng mga entertainment press na makatsikahan ang bagong upong Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairman Tirso Cruz III para malaman na rin kung ano ang ating aasahan sa kanyang pamumuno.

Ramdam ang suporta ng buong film industry sa pagkapili kay Pip, at isa nga sa unang nagpahayag ng pagkatuwa ay ang Star for All Seasons, Ms. Vilma Santos-Recto.

Isa sa tumutulong at tumatayong consultant kay Tirso ay si direk Joey Reyes na isa sa kinausap ng aktor.

Nag-meeting daw sila sa tanggapan ni Sen. Jinggoy Estrada para pag-usapan kung ano ang dapat gawin sa naturang ahensya.

Kuwento ni direk Joey sa ka-Troika naming si Jerry Olea sa presscon ng Cinemalaya 2022 nung nakaraang Martes, “After the oath-taking, nag-usap kami yesterday afternoon. And we were discussing what we can do, what projects of Liza we have to continue.

“Which, what obligation established by Liza we have to continue. What are some changes that we can do?

“And how we can make the FDCP function as the FDCP, and the working relationship with the other agencies dedicated to film, which are the Film Academy and Mowelfund.”

Nilinaw ni direk ni Joey na hindi nag-apply si Tirso para sa posisyong ito.

Solid ang suportang ibibigay nila dahil nakikita raw nilang gagawin ito ni Tirso para sa ating industriya, hindi para sa sariling interes. “He is a person not working on self-interest but, you know, it’s dedicated to the purpose of whatever he’s working,” pakli ni direk Joey.

“Tirso has an open mind, e. And he is untainted.

“He has no political tainting, which is good. I think the very fact that he was selected without any partisan coloring is good.

“He can work with the best people from both camps. And he can bring people together,” dagdag niyang pahayag.

Ibibida ang piniling buhay ng ibang Kapuso...

Sa darating na Linggo ay dalawang programa ng GMA 7 ang magsi-celebrate ng kanilang anibersaryo.

Ang Amazing Earth ni Dingdong Dantes na magdidiwang ng kanilang 4th anniversary at ang 5th anniversary ng Daig Kayo ng Lola Ko.

Buong buwan ng July na magkakaroon ng special feature ang Amazing Earth tungkol sa piniling buhay ng Kapuso stars natin.

Isa na rito si Glaiza de Castro na pinili ang tahimik na buhay sa Baler, Quezon.

Ani Dingdong, “Ikukuwento niya kung ano ang naging buhay niya sa Ba­ler. Kung bakit nagdesisyon siyang tumira run. Kung paano siya nagsimula mag-surfing, kung paano siya gumaling bilang artista, mga ganung bagay.

“Si Ruru Madrid nakausap din natin. Ikukuwento rin niya ang napagdaanan niya magmula nung nag-umpisa siya. Tapos ipapakita niya sa amin na mga bagong skills sa archery.

“Si Max Collins kasama rin. Ikukuwento niya ang beach life para sa kanya, kung ano ‘yung bagong goal niya.

“Pati ‘yung Bataan Eco-warriors. Mga malulupit na mga kabataan sa Bataan.”

“Nakausap din natin sila. Malalaman natin ang dahilan kung bakit nila ginagawa ito.”

Sa Daig Kayo ng Lola Ko ay mapapanood ang magandang episode na pinamagatang Bida Kontrabida na tinatampukan nina Rufa Mae Quinto, Andre Paras, Jo Berry at Cai Cortez.

Pero ang isa sa aabangan dito ay ang pagbabalik ni Gloria Romero na bahagi pa rin talaga ng drama-fatasy anthology na ito.

Tsika sa amin ng AVP for Drama na si Ms. Ali Dedicatoria, “Kasi nga ‘yung old age ni Tita Glo, we really need to take care of her. Na talagang hindi siya talaga masyado ring mae-expose sa mga tao. O, ayaw naman namin na parang ‘yung Daig pa ang maging reason para makakuha siya ng COVID or whatever.

“Pero for the anniversary series, ‘yung mga rare moment na makikita natin si Tita Glo, makikita ‘nyo for the month of July.”

Show comments