^

PSN Showbiz

Joaquin, pinayuhang manahimik

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Joaquin, pinayuhang manahimik
Joaquin Domagoso.

Hindi na nagsalita ang kampo ni Joaquin Domagoso tungkol sa kumpirmasyong nabuntis nito ang kapatid ni Claire Castro. Ayon sa ilang napagtanungan namin, payo ng GMA 7 na huwag na lang munang magsalita si Joaquin.

Darating daw ang tamang araw na magbibigay rin ng pahayag ang binata ni Yorme Isko Moreno.

Noon pa man ay gusto na itong aminin ni Joaquin pero pinayuhang manahimik na lang dahil panahon pa ng kampanya sa eleksyon.

Bukod pa riyan, nasa First Lady pa ang young actor na kung saan ay ka-partner pa niya si Cassy Legaspi na ending na sa Friday.

Pagkatapos ng First Lady ay meron pa raw gagawin si Joaquin sa GMA pero hindi pa muna puwedeng sabihin. Meron din itong pelikulang isu-shoot, ang Big Boyz kasama sina Alice Dixson, Gardo Versoza at iba pa.

Vic, Pauleen at Tali, may gagawing pelikula!

Nung Linggo, June 26 lang duma­ting sina Vic Sotto at Pauleen Luna kasama ang anak nilang si Tali galing sa halos isang linggong bakasyon sa Singapore.

Ito bale ang first vacation nila abroad magmula nang magka-pandemic.

Nakakatuwa ang mga posts ni Pauleen sa Instagram na ginalugad nila ang Universal Studios na sobrang na-enjoy raw ni Tali.

Pero ang isa sa napansin namin ay parang bumagets si Bossing Vic na kitang-kita ang sobrang saya kapag karay-karay si Tali sa kanilang pamamasyal. “Super happy siya kuya na happy si Tali!,” text sa akin ni Pauleen.

Paborito raw kasi ni Tali ang Minions, kaya paulit-ulit daw silang pumipila para makasayaw ng anak nila ang Minions.

Kaya naman sobrang memorable daw ang bakasyong ‘yun, na kahit napagod sa kapapasyal, sulit na sulit naman daw dahil nakikita nilang masayang-masaya ang kanilang anak. “Grabe talaga, sulit ang pagod,” dagdag na text ni Pauleen.

Meron palang pinaplano ang M-Zet Productions na project nina Bossing Vic at Pauleen, kasama raw si Tali.

Abangan na lang kung ano ito at ang buong detalye dahil hindi pa naman plantsadong-plantasado.

Kakai, pinayuhan si Sanya na ‘wag magmadali sa lalaki

Naikuwento rin sa amin ni Kakai Bautista nang mag-perform siya sa Piña Festival sa Ormoc City nina Cong. Richard Gomez at Mayor Lucy Torres-Gomez nung nakaraang Linggo na sobrang na-miss na raw niya ang The Dears na grupo niya pagkatapos ng kanilang taping sa First Lady.

Hindi pa raw sila nagkikita uli dahil may kanya-kanya na silang schedule. Pero napag-usapan na raw nilang dapat ay regular daw silang magkikita Pero mahigpit na bilin daw sa kanila ng kae-engage lang na si Maxine Medina na sa wedding niya ay dapat na kumpleto raw ang buong cast ng First Lady, lalo na ang Dears na grupo nila.

Hindi pa naman daw pinag-uusapan ang date, pero sinabihan na raw sila ni Maxine at maaaring ang iba ay bahagi ng wedding entourage nito.

Pagdating naman sa lovelife ay pinapayuhan daw ni Kakai si Sanya Lopez na huwag magmadali kung wala pa siyang nakikitang magiging boyfriend. “Sabi ko naman sa kanya hindi naman kailangan magmadali e. Baka mamaya, siyempre first boyfriend ‘yan, baka ma-overwhelm ang bakla. Diyos ko!

“Kasi kung may darating, meron naman talaga. Sa ganda mong yan ‘di ba? Saka sa bait mong ‘yan, meron talaga. Saka ang bata pa niya,” bulalas pa ni Kakai.

Kung maaari, gusto raw nilang non-showbiz ang magiging boyfriend nito.

vuukle comment

JOAQUIN DOMAGOSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with