^

PSN Showbiz

Rita Daniela, aaming buntis sa non-showbiz BF!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Rita Daniela, aaming buntis sa non-showbiz BF!
Rita Daniela.

Magkakaroon daw ng ‘life-changing reveal’ si Rita Daniela sa All-Out Sundays ngayong Linggo.

Ito na nga kaya ang pinag-uusapan ilang linggo na ang nakaraan na mala­king pagbabago kay Rita, dahil nagdadalangtao raw ito?

May mga lumalabas na ngang blind item tungkol sa singer-actress na nasa interesting stage na raw ito.

Obvious na si Rita ang tinutukoy, pero wala pa tayong naririnig na sagot mula sa kanyang kampo.

Kaya abangan na lang ngayong Linggo sa AOS kung ano nga itong iri-reveal ni Rita sa segment nilang Queendom kasama sina Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, Jessica Villarubin, Marianne Osabel, Hannah Precillas, Thea Astley at Jennie Gabriel.

Live ang episode na ito ngayong araw na kung saan nandun din ang dating ka-loveteam ni Rita na si Ken Chan na maghu-host sa Sing Kilig kasama si Barbie Forteza. Si Sanya Lopez ng First Lady ang kanilang Kilig-A-Babe sa naturang segment.

Pero ang tiyak na mas aabangan kung itong tungkol nga ba sa diumano’y pagbubuntis ang iri-reveal ni Rita at kung ipapakilala ba niya ang non-showbiz long-time boyfriend niya.

Lalaban sa Mister International, mas gustong mag-boxing

Bukas na ang grand finals ng Mister International Phi­lippines 2022 na gaganapin sa Okada Manila.

Isa sa favorite na kandidato ay itong 19-year-old athlete na si Andre Cue ng Cagayan de Oro.

Nung nakaraang press presentation ay siya ang napiling #PressFavorite at sa Preliminary at National Costume competition ay may dalawang special award pa siyang nakuha mula sa mga sponsors.

Nakatsikahan namin si Andre sa Club Filipino nung nakaraang Martes dahil ipinakilala siyang bagong talent ng Creative Talent Management ni Ms. Therese Ramos.

Kasama niya ang iba pang talents na dating child star na si Kimberly Fulgar, ang apo ng dating Senator Jamby Madrigal na si Kelly Madrigal at si Andrea Abalos na nagmula sa pamilya Abalos ng Mandaluyong.

Halatang mahiyain pa si Andre kaya tipid na tipid ang sagot niya sa mga tanong namin.

Gusto ni Andre na mag-artista, at okay naman daw siyang magpa-sexy pero may limitations daw muna.

Walang halong showbiz ang sagot niya sa tanong namin kung okay ba sa kanya ang BL pro­jects at may ipapagawa sa kanya na medyo daring na eksena. “Ayoko. Hindi ko siya gusto. Pero ‘pag meron, okay lang din,” medyo naala­ngan niyang sagot sa amin.

Ang gusto raw niya kasi sanang gawin ay ‘yung mga inspiring na material na may matutunan ang mga manonood. “Gusto ko sana na role ‘yung inspiring. ‘Yung maka-change ng life ng viewers. Gusto ko rin kasi ng movies na ganyan e, ‘yung inspiring movies,” dagdag niyang pahayag.

Boxing ang sports ni Andre at gusto niya tala­gang lumaban sa ring, pero tutol dito ang kanyang magulang. Sabi ng Mommy niya, sayang naman daw ang ganda ng mukha niya kung ipapabugbog lang niya.

Pero gusto pa rin niyang lumaban kahit sa isang exhibition match lang para ma-experience din niya ang totoong boxing. “Before, pinaglaban ko talaga ‘yung boxing. ‘Yun kasi ang passion ko. Parang ‘yun ang happiness ko. That’s what I love. Pero nandito na ako, umiba na. Pero soon, gusto ko mga exhibition lang siguro,” pakli ni Andre.

“I’m passionate about my advocacy, which is good health and well-being through sports. Gusto ko rin mag-inspire other people through boxing because I know how it changed my life for the better,” dagdag niyang pahayag.

Ang mananalo rito ay ilalaban sa Mister International 2022 na gaganapin dito sa Pilipinas. May isa ring title na paglalabanan, ang Mister Global na gaganapin sa Thailand.

vuukle comment

RITA DANIELA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with