Kris, parang anak ng bayan

Talagang marami pa ring fans si Kris Aquino. Mayroon pa rin talagang worried na worried sa kalagayan niya at nagdarasal sa kanyang paggaling. At talagang parang anak ng bayan si Kris dahil lahat halos tutok sa kanyang kalusugan.

Sana naman maayos na ang paggamot sa kanya at mahanap ang makakapagpaga­ling sa sakit niya.

Mabait na pasyente si Kris, sinusunod ang utos ng doktor, iniinom ang dapat na gamot.

Sana nga this time maging maayos ang condition niya dahil ang dami ng nagdarasal sa paggaling niya.

Mga aso, hinihika rin!

Alam n’yo ba na ngayon ko lang na-discover na nagkakaroon pala ng coughing problem ang dogs?  ‘Pag inubo na tuluy-tuloy baka may asthma at talagang hirap na hirap sila sa pag-ubo.

Ngayon lang kasi nagkaroon ng ganitong problema ang dogs ko, kaya ngayon ko lang nalaman, hah hah hah.

Siguro dahil iyon mga naunang hindi nagkaroon ng ganitong sakit.

Talagang para sa may hika ang medicine nila ha, at kung puwede nga na nebulizer para mas madaling mawala ang ubo.

Talagang parang tao ang mga pet nating dogs, kaya ingat ingat din sa kanila na huwag tamaan ng ubo, dahil kawawa naman lalo sa gabi na hindi sila makatulog.

Show comments