Mayor baste at Arci, split na

Arci
STAR/ File

Ahh split na raw pala agad sina incoming Davao Mayor Baste Duterte at Arci Muñoz.

Ayon sa source, mismong si Mayor Duterte ang nagkumpirma tungkol sa kanilang naging relasyon at paghihiwalay.

At mas matagal daw ang naging relasyon ni Arci sa anak ni out­going President Rody Duterte at brother ni elected Vice President Sara Duterte.

Sina Mayor Baste and Ellen Adarna ay umabot lang daw ng six months noon.

Dumalo kahapon si Arci sa oath taking ni VP Sara sa Davao kasama raw ang kanyang kapatid.

Marami rin daw Kapuso stars sa nasabing oath taking sa Davao na pinangunahan ni Sanya Lopez.

Show comments