^

PSN Showbiz

Liza at manager na si Ogie, hindi nagtapos ang ‘relasyon’

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Liza at manager na si Ogie, hindi nagtapos ang �relasyon�
Liza Soberano.

Noong May 31 ay nagtapos na ang talent management contract ni Liza Soberano kay Ogie Diaz.

Labing-isang taong nasa pamamahala ni Ogie ang aktres.

Maayos naman ang naging pag-uusap nina Ogie at Liza sa kanilang paghihiwalay bilang talent at manager.

Ngayon ay si James Reid at ang team ng aktor na ang tumatayong ta­lent manager ni Liza.

Kahit wala na sa pangangalaga ni Ogie si Liza ay nanatili namang magkaibigan ang dalawa. “Nag-decide si Liza na ‘di na mag-renew through a long Viber message na magalang naman ‘yung bata in fairness. Tsaka ‘pag happiness ng tao ‘yung concern, binibigay ko ‘yan. Kahit sa pag-aalaga ng talents, kapag may nagpaalam sa akin na aalis na, go. Ang sine-save ko kasi ‘yung friendship. Kasi alam mo ‘yung ang haba ng panahon na pinagsamahan n’yo eh. Hindi n’yo dapat sayangin ‘yon dahil wala ka nang kinikita sa bata or wala na akong nabibigay na project sa bata. Hindi do’n nagtatapos ang relasyon,” makahulugang pahayag ni Ogie.

Kamakailan ay napabalitang gusto na ring subukan ni Liza na magkaroon ng career sa Hollywood.

Maraming mga larawan nina Liza at James na magkasama sa ilang events sa Amerika ang pinag-usapan sa social media kamakailan. “Magkasama sila sa gala tapos hindi lang si James ang kasama ni Liza kundi ‘yung partners nila. Kasi parang meron silang business group and kasama doon si Liza and at the same time ‘yon na rin ang magha-handle ng kanyang career,” paglalahad ni Ogie.

Sa halip na masaktan si Ogie sa ginawang paglisan sa kanya ni Liza ay natuwa rin ang talent manager para sa dalaga. “Kapag isang tao gusto niya ng growth and feeling niya magkakaroon siya ng growth and feeling niya magkakaroon siya ng growth sa iba and feeling niya mas masaya siya sa iba, binibigay ko. Napaka-importante ngayon ng mental health. Napaka-importante na nando’n ka pa rin sa inyong sanity. So kailangan ibigay mo ‘yung happiness doon sa tao. Tayo naman if you make someone happy you are happier, ‘di ba? Hindi na masama ‘yung 11 years na pinagsamahan namin ni Liza and mas nakakahiya naman na naghiwalay kami tapos wala namang nangyari sa career ng bata. Just like with Vice Ganda, naghiwalay kami ni Vice Ganda, na Vice Ganda na siya. Ito naman naghiwalay kami na Liza Soberano na siya,” paliwanag niya.

Vice, naging emosyonal sa pagbabalik nina Jhong at Anne

Noong Sabado ay nakabalik na sa It’s Showtime si Jhong Hilario.

Matatandaang iniwan ng aktor ang prog­rama noong nanganak ang kasintahang si Maia Azores mahigit isang taon na ang nakalilipas.

Kasunod nito ay naging abala naman si Jhong sa pangangampanya dahil muling tumakbo bilang konsehal ng Makati. Muling nanalo si Jhong at kamakailan ay nanumpa nang muli para sa kanyang tungkulin para sa mga kababayan sa Makati. “Sabi ko naman sa management kailangan ko lang mag-oath taking. Kasi ‘di pa ako siguradong konsehal kung ‘di ako manumpa. Eh nakapanumpa na ako,” nakangiting pahayag ni Jhong.

Matatandaang nakabalik na rin sa programa si Anne Curtis noon pang isang Sabado. Na­ging emosyonal ang mga kasamahang hosts sa It’s Showtime lalo na si Vice Ganda dahil muli silang nakumpleto. “Pinoproseso ko lang ‘yung nararam­daman ko. Ang bait lang ni Lord, alam talaga niya kung kailan niya ibibigay ‘yang mga bagay at taong kailangan ko sa tamang panahon.

“I have been waiting for this moment to happen to have my OG (original) Showtime family and my new Showtime family together. Kasi we have been trying so much. We have been working so hard everyday to give madlang pipol needs. Kahit anong gawin ko, gusto nila kumpleto tayo. And for the longest time, hindi ko alam kailan ko ibibigay ang kumpletong Showtime family. Alam kong kahit galingan ko nang galingan, I will never be enough. Kahit anong gawin ko, gusto nilang kumpleto tayo,” emosyonal na pahayag ni Vice. (Reports from JCC)

 

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with