^

PSN Showbiz

Joshua, naging outlet ang TikTok

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Joshua, naging outlet ang TikTok
Joshua Garcia.

Ngayong taon lamang nagsimulang gumawa ng TikTok videos ni Joshua Garcia. Mahigit anim na milyon na ang followers ng aktor sa naturang social media app.

Masaya umano ang binata na milyung-milyong netizens ang nalilibang dahil sa panonood ng kanyang TikTok videos. “Actually parang outlet ko ‘yung TikTok eh. Masaya lang ako kasi parang do’n nakikita ng mga tao ‘yung mga kulit na side ko. Kasi usually sa teleserye drama, action. Pero ‘yung TikTok parang do’n ko lang nilalabas ‘yung kulit ko, ‘yung mga gusto ko. Natutuwa ako do’n sa mga dance challenge. ‘Yung first ko ‘yon ‘yung pinaka-unexpected kasi basta ko lang in-upload ‘yon tapos hindi ko hinawakan ‘yung telepono ko. No’ng pinakita ko, oh my God, ang dami na, tapos sabog na ‘yung notificatios,” kwento ni Joshua.

Kamakailan ay nagtapos na ang teleseryeng Viral Scandal kung saan nakabilang ang aktor. Abala naman ngayon si Joshua sa para taping ng Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon.

Ayon sa binata ay maayos ang kanilang trabaho sa bagong proyekto dahil sa ipinatutupad na lock-in taping. “Actually, sabihin na natin na back to back pero ang maganda kasi ngayon mga lock-in taping. Tapos may 12 hours na trabaho na lang. May time kami magpahinga talaga lahat and hindi siya tulad before na pagkagaling mo dito baklas ka sa kabilang trabaho. Hindi gano’n eh, mas maganda ‘yung ngayon, mas smooth ‘yung trabaho ngayon,” paliwanag niya.

Samantala, isa si Joshua sa mga pinakamalapit na kaibigan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Para sa aktor ay talagang mga nakatatandang kapatid na ang turing niya sa magkasintahan. “Masaya ako na nasa circle of friends ako na sila ‘yung kasama ko. Sila ‘yung parang mga kuya at ate ko na nagpapayo sa akin sa showbiz. Masaya ako na kasama sila kasi good company talaga sila. Sila ‘yung masasabi ko na talagang kaibigan ko sa showbiz,” pagtatapos ng aktor.

Ivana, hindi na takot

Masayang-masaya si Ivana Alawi dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay makapagbibida na sa isang teleserye. Makakatambal ng sexy actress sina Gerald Anderson, Jameson Blake, Jake Ejercito at Sam Milby sa A Family Affair na malapit nang mapanood sa Kapamilya Channel. “Ever since naman gustung-gusto kong gumawa ng teleserye with ABS-CBN. ‘Yung timing lang talaga. Kasi the last show na I was supposed to do, biglang dumating ‘yung pandemic and covid and I was keeping my family safe. Ngayon kasi parang may vaccine na and very strict ang protocols ng ABS-CBN especially with the tapings, I feel safe naman. Siguro it’s because ‘pag gumawa ang ABS-CBN talagang class and hindi ako nag-aalala sa itsura ko and sa story. Kasi kapag gumawa ang ABS-CBN, world class talaga,” nakangiting pahayag ni Ivana.

Para sa dalaga ay talagang maipagmamalaki niya sa lahat ng manonood ang bagong proyekto.

Bukod sa magandang kwento nito ay kaabang-abang din umano ang karakter na ginagampanan ni Ivana. “Ang ganda-ganda ng story and it’s something different kasi it’s not just drama. There’s a lot more. It’s very seductive, steamy, sexy, thrilling, mysterious. It’s very, very exciting show. Sobrang nakaka-relate ako sa role ni Cherry. Kasi dati parang hindi pa na-experience ‘yung lead role. Kasi ‘yung mga role ko dati one line, two lines, three lines. Pero ngayon ang haba tapos every scene halos nandiyan ako. So I think people expect to see a lot more from me dito sa show na ‘to,” pagdedetalye ng aktres. (Reports from JCC)

vuukle comment

JOSHUA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with