^

PSN Showbiz

Bitoy, aminadong gamit na gamit ang social media sa tunay na nararamdaman

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Bitoy, aminadong gamit na gamit ang social media sa tunay na nararamdaman
Bitoy.

Mas lalo naming na-enjoy ang bagong bihis na Bubble Gang na nagdagdag ng ilang segments nung nakaraang Biyernes.

Iba pa rin kasi talaga kapag nasa studio sila magkakasama, at ang gagaling nilang lahat.

Nakatulong din siguro ang mga na-experience na quarantine, ang lockdown kaya ang da­ming naiisip na magagandang concept. Lalo na si Bitoy na parang ang da­ming naipong magagandang ideas.

Eto nga pagkatapos ng elek­syon ay idinaan na lang ni Michael V. sa tula ang tunay na saloobin sa nakaraang eleksyon.

Hindi siya sumasali sa pakikipagbalitaktakan sa socmed, kundi sa makahulugan niyang tula, at pinuri siya rito. Makikita sa kanyang Instagram account ang dalawang tulang ginawa niya.

Naniniwala raw siyang mas mabuting sa social media na niya idaan ang kanyang tunay na nararamdaman sa mga nangyayari at mga pagbabago sa ating paligid.

Sabi niya nang naka-text ko siya nung Biyernes: “For me, social media is a tool na p’wedeng gamitin ng lahat ng taong may cellphone at may access sa internet.

“And yes, pwede s’yang gamiting outlet for expressing emotions, opinions, art or all of the above.

“’Yun mismo ‘yung ginagawa ko. Minsan the message gets through pero sadly, minsan hindi.

“So it’s also a great tool to get to know your audience/followers.”

Beauty, tinaningan ang sarili

Malaki ang pasasalamat ni Ariel Rivera na sa kanya ipinagkatiwala ang isang nakapakahalagang role bilang si Onats Villamor sa bagong afternoon drama ng GMA 7 na The Fake Life.

Pero hindi siya nagpaka-fake na sabihing huling lock-in taping na raw niya ito dahil hindi raw niya talaga kayang ma-lock in nang mahigit isang buwan.

First time raw niyang masalang sa napakahabang lock-in taping, at ayaw na raw niyang masundan pa ito. “There are pros and cons sa lock in.

“You get concentrate on your work. Really focused on your character, your lines, ‘yun ang positive.

“The cons naman, may cabin fever ka talaga. First cycle was 45 days, somewhere around it, and this time 30 days.

“I don’t mind lock in kung 2 weeks, 3 weeks. Pero ‘yung mga ganito, 1 month, 45 days, hindi na mauulit ‘to sa akin. Last na to,” banggit niya sa ginanap na media conference.

Masaya siyang nakabalik sa GMA dahil ang dami naman daw niyang kaibigan dito at gusto raw niya ang working atmosphere sa Kapuso network. Pero kaagad din siyang tumanggi sa tanong na kung sakaling isasama siya sa All-Out Sundays, okay ba sa kanya.

“Hindi ako okay. I don’t like working weekends. That’s the time for myself, my wife and my dog,” diretso siyang sagot.

Ka-partner naman dito ni Ariel si Beauty Gonzalez na nasa bagong management na, kay Becky Aguila.

Natutuwa siya sa magagandang projects na ibinigay sa kanya ng GMA 7, pero binigyan din pala niyang taning ang kanyang trabaho, dahil gusto raw niya ay personal niyang maalagaan ang kanyang anak ‘pag teenager na ito.

Kaya baka mga six years na lang daw siya sa kanyang showbiz career, titigil na siya.

“I promised my daughter na ‘pag teenager na, I really have to be back home. I really have to be there and support her, every aspect ‘pag nagdadalaga na siya. Kasi, galing na ako dun. So, gusto ko nandun ako,” saad ni Beauty.

Sa June 6 na magsisimula ang The Fake Life na papalit sa timeslot ng Artikulo 247, bago mag-Family Feud.

Rayver, nakabalik na

Live ang All-Out Sundays ngayong araw na mag-celebrate nang pamamayagpag ng PPop music.

Ang kaabang-abang dito ay ang pagbabalik ni Rayver Cruz na kagagaling lang sa Canada concert tour niya kasama sina Sam Milby at Catriona Gray.

Kaya hindi nakasali sa mediacon ng Bolera si Rayver, dahil ang hina raw ng signal niya sa kinalalagyan niya sa Canada.

Ngayon ay kasama niya sina Kylie Padilla at Jak Roberto para i-promote ang Bolera na magsisimula na bukas sa GMA Telebabad.

Pero ang isa pang aabangan ay kung may bonggang production number ba sila ni Julie Anne San Jose.

vuukle comment

MICHAEL V.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with