^

PSN Showbiz

JC, nag-lock in para sa mga eksena ni Kit sa Flower of Evil

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
JC, nag-lock in para sa mga eksena ni Kit sa Flower of Evil
JC de Vera.

Dahil sa desisyon ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment, Inc. na palitan ni JC de Vera si Kit Thompson ay nagkaroon tuloy ng cycle 4 ang lock-in taping ng Pinoy adaptation ng Korean drama-thriller series na Flower of Evil.

Sa original schedule, hanggang cycle 3 lang ang lock-in taping nila.

Hindi naman mahaba ang cycle 4 lock-in dahil karamihan sa mga eksenang kinunan ay ‘yung mga eksena ni Kit na gagawin ni JC.

Ang tsika ng isang source, hanggang today ang taping nina Lovi Poe at JC at bukas ay exit swab na nila.

Hindi lang ako sure kung nakalabas na si Piolo Pascual na leading man ni Lovi sa Flower of Evil.

Anyway, ang bongga ng teaser ng first Kapamilya teleserye ng Precious Jewel. Pati poster, gusto rin ng mga fan.

Bongga!

May isa pang Kapamilya project si Lovi na naghihintay na ring ipalabas, ang iWantTFC original series na kapareha naman niya si Janine Gutierrez.

Raratsada nga this year sa ABS-CBN si Lovi.

Mga kontrabida ni Jane bawal magsalita, Darna eere na sa July 3

Alam mo, Ateng Salve, kahit sinasabing ngayong July 3 na ang pilot telecast ng Darna: The TV Series ni Jane de Leon, hindi pa rin naman nari-reveal ang lahat ng mga gaganap na kontrabida niya.

Bale si Janella Salvador lang bilang Valentina talaga ‘yung in-announce.

Ang tsika sa akin ng isang source, ‘yung mga artistang kontrabida raw ni Darna ang role, hindi puwedeng mag-post ng anything sa social media. Bawal na bawal daw.

May isang artista nga na kontrabida ang role sa fantaseryeng ‘yon nina Jane at Joshua Garcia ang nabuking ko lang na kasama pala sa cast dahil nadulas ang source ko, pero huwag na huwag daw babanggitin kasi mapapagalitan ng production.

Anyway, tuloy nga ba talaga sa July 3 ang Darna: The TV Series o may extension pa ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin?

Well... ‘Yun na!

vuukle comment

JC DE VERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with