^

PSN Showbiz

Justin, Lany, magko-concert sa bansa

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Justin, Lany, magko-concert sa bansa
Justin
STAR/ File

Hot pa ba si Justin Bieber?

May live show pala siya sa Manila sa Oct. 29, CCP Grounds.

Sa May 30, ang umpisa ng pagbebenta ng tickets at from P2,695 up to P18,850 ang presyuhan.

Ahhh, may pagka-throwback na si Justin Bieber. K-pop ang kinababaliwan lately ng concert / music fans.

Eleven years ago na nang huling bumisita si Justin sa Pilipinas. Bata pa siya noon. Ngayong mister na siya ni Hailey Baldwin.

Kasama ang bansa sa naka-schedule niyang world tour, Justice World Tour.

Darating din sa Manila ang pop group na LANY para sa kanilang Asia 2022 Tour.

Wala pang details na inilabas para sa kanilang concert pero magaganap ito sa November.

Permanent validity ng birth certificate etc., kinatuwa...

Permanente na ang validity ng birth, death, wedding certificates.

Pasado na ito sa Senado. “Malaking ginhawa ito lalo na para sa mga kababayan nating nag-a-apply lang ng trabaho, passport o kaya para sa kanilang pag-aaral. Malaking tipid ito sa pera, oras, at pagod,” ani Sen. Kiko Pangilinan na hindi pinalad manalong vice president ng bansa.

Si Sen. Kiko ang principal author at co-sponsor ng nasabing bill – SB 2450.

True naman na magastos ang pagkuha ng birth certificate etc. na parang six months lang yata ang validity.

JUSTIN BIEBER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with