Marian nag-renew ng contract sa Beautederm, ayaw PAG-usapan ang pinagagawa nilang dream house

Rhea at Marian.

“Mula nun’g nagkaroon ako ng Marian (Rivera), yumaman ako,” pag-amin ni Ms. Rhea Tan, CEO and President ng Beautederm Corporation kung saan isa si Marian sa almost 100 endorsers. “ Totoo ‘yun. I’m so thankful. Iba talaga ‘yung Marian. ‘Di ba, aminin naman natin, bakit siya kinukuha ng malalaking kumpanya? Kasi ‘di ba, nagtutulungan kayo, it’s a give and take relationship. Kinuha mo siyang endorser, at the same time, tutulungan ka niya para makilala ‘yung brand mo,” dagdag ni Ms. Rhea sa ginanap na renewal of contract ni Marian for another 30 months.

“Hindi ‘yung kinuha mo lang siya dahil sa pangalan, tapos, wala na. Ginagawa niya ‘yung trabaho niya as my endorser,” kumpisal pa ni Ms. Rhea.

At nang tanungin naman si Maria ng Jose and Maria’s Bonggang Villa, aminado si Mrs. Dingdong Dantes na  napabilib siya dahil tumutulong ang batang CEO na matupad ang pangarap ng kanyang mga reseller lalo.

Since Day 1 kasi, nakita ko kung paano siya magtrabaho at kung paano siya ka-hands on, pero ang talagang namumukod-tangi na tumatak sa akin, nagpunta po ako nung may convention sila sa Pampanga, sa Clark, ‘yun talaga po ang tumatak sa akin na sabi ko, napakabuting tao nito,” pag-alala ni Marian.

Dagdag pa niya :  “Sabi ko talaga, pag-uwi ko ng bahay, ikinuwento ko sa asawa ko, sabi ko, ‘dad, grabe ‘yung na-experience ko sa ginawang event du’n sa Pampanga, hindi ko makakalimutan kung paano si ate Rei sa mga tao.’ Sabi ko, napakabuti niyang tao at gusto ko siyang alagaan kasi ganu’n din ako magmahal sa mga taong mahal ko,” sey ni Yan.

At bilang special treat sa partnership renewal ng Beautéderm Home at ni Marian, maglalabas ang Reverie ng special limited-edition soy candle box set kung saan may tatlong bagong scents na kinabibilangan ng Inviting Cherimoya, Irresistible Vanilla, at Tempting Pear and Melon na aminado si Marian na favorite niyang gamitin sa kanilang bahay.

Advertising
Scroll to continue

Pero nang matanong nga siya tungkol sa pinagagawang dream house nila ni Dingdong, nakiusap si Marian na ‘wag muna itong pag-usapan.

Show comments