Endorsement ni Marian sa Beautederm, pang-forever na!

Marian Rivera.

Pinahaba pa ang pagiging Beautederm Home ambassadress ni Marian Rivera ng Chief Executive Officer ng Beautederm na si Rhea Tan.

Eh hindi lang kasi endorser ang treatment nina Rhea at Marian sa isa’t isa kaya after four years, nag-renew muli ng kontrata ang GMA Primetime Queen sa Beautederm Home na may bagong produkto na swak na swak sa lahat.

“Love na love ko siya! I appreciate her so much! Bina-value niya, hindi lang as client relationship. Naramdamdaman ko na kahit hindi ako kasing yaman ng ine-endorse niya, sobrang love niya ako.

“Alam mo ‘yon? Hindi ‘yon mabibili ng kahit na anong pera!,” pahayag ni Rhea sa contract renewal ni Yan sa Beautederm Home.

Gustung-gusto ni Rhea ang ugali ni Marian.

“Siya ‘yung tipo ng friend na napaka-loyal. Ipaglalaban ka niya. Iba siyang klase ng tao!,” dagdag pa ni Tan.

Advertising
Scroll to continue

“Kasi kami ni Ate Rhea, hindi kami masyadong close nung una. Gradual na nangyari ‘yan. Nu’ng una, usap lang kami pero nang sumunod, about shopping na. Family.

“Lumalim na. Bilang tao, mararamdaman mo naman kung sincere ‘yung tao. Concerned. Lahat ‘yon naramdaman ko kay Ate Rhea.

“May one time na nagtampo siya. Pero nasolusyunan naman. Hindi naman sobrang lalim. Pareho kami ang ugali. Transparent!,” saad naman ni Marian kay Rhea.

Bukod sa local endorsers, soon, kukuha ng Korean personality si Rhea para sa Beautederm.

“Nag-iipon pa ako! Ha! Ha! Ha!,” sagot ni Tan.

Kasama kaya ang fave Korean actor ni Marian na si Hyun Bin ng Crash Landing On You?”

“Naku, ibibigay ko ang talent fee ko kay Ate! Ha! Ha! Ha!,” deklara ni Ma­rian.

Show comments