Lovi, lumabas ng lock-in para makiramay!

Lovi Poe.

Bandang tanghali kahapon nang maka-text namin ang manager ni Lovi Poe na si Leo Dominguez.

Ayon kay Leo, nasa burol ni Ms. Susan Roces sa Heritage Park ang alaga niyang aktres.

Pinayagan daw itong makalabas ng lock-in taping sa Pampanga ng Flower of Evil para makapagbigay ng huling respeto sa mga labi ni Manang Inday (paboritong tawag sa yumaong Queen of Philippine Movies).

Noong Saturday ay nagbigay na ng ‘tribute’ si Lovi para sa misis ng kanyang amang si Fernando Poe, Jr. (na yumao naman noong December 14, 2004).

Malapit na malapit si Lovi sa anak ni Manang Inday na si Senator Grace Poe. In fact, nag-bonding pa ang magkapatid sa Los Angeles, California noong March nang sabay halos silang magbakasyon.

Mula sa burol ng Queen of Philippine Movies, bumalik ng Pampanga kahapon si Lovi dahil may pa-poster reveal ang Dream­scape Entertainment, Inc.  sa local adaptation ng Flower of Evil nila ni Piolo Pascual. Pero nag-antigen test muna si Lovi dahil requirement ‘yon ng Kapamilya Network.

Advertising
Scroll to continue

At bago ang poster reveal event kagabi, inilabas na rin ng ABS-CBN ang unang teaser ng Flower of Evil.

Sobrang proud ang Kapamilya Precious Jewel sa first teleserye niya sa ABS-CBN dahil magaganda ang feedback sa teaser nito.

Samantala, nagdadalamhati rin si Lovi sa pagkamatay naman ng una niyang pet dog, si Chibby.

Matagal ding nakasama ni Lovi si Chibby na ayon sa aktres ay ang paycheck niya sa una niyang TV show ang ipinambili niya sa paboritong alaga.

Ruffa at Marjorie, ibang level ang friendship

Ang bonding nina Ruffa Gutierrez, Karla Estrada, Joy Ortega at Marjorie Barretto noong Sunday night sa Poblacion, Makati City. Para sa birthday ‘yon nina Marjorie at Joy. Matagal nang magkakaibigan ang apat.

Ang alam ko, high school classmates sina Ruffa at Marjorie, kaya malapit talaga sila. Kapag may mga event sa pamilya ni Marjorie, katulad noong nag-birthday si Julia Barretto, palaging imbitado si Ruffa. ‘Yun na!

 

Show comments