Paulo at Janine, susubukang pabalikin ang fans sa sinehan

Paulo Avelino at Janine Gutierrez.

‘Katuwa lang ang mga PauNine fan, Ateng Salve.

Todo-suporta sila sa Ngayon Kaya movie nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez, huh!

Aba, ilang block screenings ang inihahanda nila.

Sa June 22 ang theatrical release ng Ngayon Kaya at sisiguraduhin daw ng mga PauNine ang 100% support nila sa pelikula.

Ang mga fan din sa Amerika, Canada at iba pang mga lugar ay humihiling din na magkaroon ng theatrical release doon ang nasabing pelikula.

Well, sana nga, ang Ngayon Kaya nina Paulo at Janine ang makapagpabalik ng gana ng mga tao sa panonood ng pelikula sa mga sinehan, huh!

Naku, Ateng Salve, dahil mabait sa akin sina Paulo at Janine, magpapa-block screening din ako para sa Ngayon Kaya.

‘Yun na!

Ate shawie, ‘di natuloy sa lock-in

Bilang pagpupugay sa yumaong Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces, natuloy ang plano ng FPJ’s Ang Probinsyano cast and staff na itigil muna ang lock-in taping nila sa Ilocos Sur para special tribute sa kanilang pinakamamahal na co-star (siya si Lola Flora sa action-drama series ng ABS-CBN).

Kuwento ng nanay ni Richard Gutierrez na si Annabelle Rama, “Ang alam ko, 5:00pm ‘yung mass at nandoroon ang lahat ng mga taga-FPJ’s Ang Probinsyano. Si Chard (Richard Gutierrez) nga, kanina pa dumating at sabay-sabay sila mamaya sa Heritage Page.

“Mamayang gabi rin ang balik nila sa Ilocos Sur.

“Bukas na for public ‘yung burol,” tsika ni Tita Annabelle na noong Saturday night ay nagpunta na sa burol ni Manang Inday kasama ang mister niyang si Eddie Gutierrez.

For sure, makiki-join mamaya sa cast ng FPJ’s Ang Probinsyano ang Megastar na si Sharon Cuneta.

Tsika ng isang malapit sa Megastar, dapat ay noong Thursday pa pumunta ng Ilocos Sur si Sharon, pero hindi raw natuloy ‘yon.

Ginawa raw today na ang lock-in ni Sharon, kaya tamang-tama lang na nasa Maynila pa siya ngayon.

Show comments