Magkasama na…

Susan at Maricel
STAR/ File

Nagbigay ng mensahe ang malalaki nating aktres sa pagpanaw ng tinaguriang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces.

Ilan sa mga artistang sinaluduhan at hinangaan si Manang Inday, tawag ng ilan sa kanya, ay sina Vilma Santos-Recto, Maricel Soriano, AiAi delas Alas at iba pa.

Alam naming malapit din kay Tita Swane si Sharon Cuneta na nakasama niya sa ilang Viva movies pero hindi pa rin nagsi-sink in sa kanya ang pagpanaw niya lalo na’t yumao rin ang kaibigan niyang Fanny Serrano.

Upang bigyan ng oras ang mga nagmamahal, kaibigan at iba pang gustong maging parte ng huling araw sa mundo ni Susan, naglabas ng pahayag ang pamilya niya na magkakaroon ng public viewing.

Sa Heritage Park sa Taguig nakalagak ang labi ng reyna. Magkakaroon din ng daily mass at abangan na lang ang post sa social media account ng pamilya.

Magkasama na sina Tita Susan at ang asawang si Fernando Poe, Jr.

Advertising
Scroll to continue

Wala pang report kung saan siya ililibing.

Nakikiramay po kami sa naiwan ni Susan Roces…

Show comments