^

PSN Showbiz

Malabong kumita!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Malabong kumita!
Joshua Garcia.

Pagkatapos kaya ng kontrobersiyal na split nina Joshua Garcia at Julia Barretto, kakagatin pa ba ng fans kung pagtatambalin sila?
Kung natatandaan pa ninyo, may pelikula na silang pinagsamahan na inilabas pagkatapos ng breakup nila pero hindi na kinagat ng fans.

Nahati na rin ang fans ng kanilang love team noon, at karamihan ng mga ito ay napunta sa underdog na si Joshua.

Mali kasi ang approach nila kung tutuusin, sa takot nila sa ‘ghosting’ issue na sangkot din ang isang malaking star, si Bea Alonzo, itinago-tago pa nina Julia at Gerald Anderson ang talagang relasyon nila, kaya lumabas na naloko pa ang publiko.

Umiba na rin ng linya si Julia, nagpapa-sexy na siya lately, at malayo na iyon sa image niya noong magka-love team pa sila ni Joshua.

Napakalaking sugal kung pagtatambalin pa ulit nila ang dalawa.

Noon naman kasi, isinasama sila sa mas malalaking stars, hindi pa sila nasabak nang sila lamang.

Ngayon wala na at wala na sigurong maniniwala kung magliligawan pa silang muli kahit na sa screen lang.

Actually nanghihinayang kami kay Joshua. ‘Di hamak na mas maganda ang status ng kanyang career kaysa kay Julia, kung isusugal pa niya iyan, baka mabatak pa siya pababa.

Birthday ni Nora, walang ganap!

Ngayon ang birthday ni Nora Aunor. Ipinanganak si Nora sa Bicol noong May 21, 1953, ngayong araw na ito siya ay 69 years old na.

Naging champion siya sa Tawag ng Tanghalan noong May 29,1967, ibig sabihin 55 years na siya sa show business.

Pero kahapon pa kami nagtatanong maski na sa mga kakilala naming Noranians kung ano ang paghahanda nila sa 69th birthday ni Nora, ang sinasabi sa amin ay wala raw dahil si Nora ay nasa Bicol.

Nagkampanya kasi siya para sa isang party­list ng mga Bicolano, dahil na-disqualify naman iyong sarili niyang partylist.

Noong araw, basta birthday ni Nora, malakihan. Minsan sa Araneta, minsan sa Amoranto stadium at minsan pa sa Luneta. Aywan naman kung bakit kung kailan 69 na si Nora at saka sila walang preparasyon. Nanghihinayang lang kami, sinasabi naman nila marami pa ring Noranians, bakit hindi sila nakapaghanda sa okasyong ito?

Noong araw, basta birthday ni Nora malakihan. Minsan sa Araneta, minsan sa Amoranto stadium at minsan pa sa Luneta.

Beteranong male star, pinapatos hanggang P6k

“P6K go na ako,” sabi ng isang beteranong male star nang nakikipag-deal siya sa isang bading. Pero hindi pa rin siya kinuha ng bading na ang palagay ay masyadong mataas ang presyo niya kasi matanda na naman siya. Bakit ka nga naman papatol sa matanda, at marami nang nasabitan kung marami namang mas bata at mas may hitsura kaysa sa kanya.

JOSHUA GARCIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with