^

PSN Showbiz

Martin, may concert para sa mga may sakit sa puso

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Martin, may concert para sa mga may sakit sa puso
Martin Nievera.

Forty years na pala bilang singer si Martin Nievera sa July 5, at hanggang ngayon isa siya sa pinakamalaking star ng music scene sa ating bansa. Hanggang ngayon hinahabol pa rin siya ng fans dahil sa kanyang mga klasikong kanta kagaya ng Be My Lady.

Pero after 40 years, may bago siyang kanta na inilabas ng Vicor Music Corporation, ang Smile Again. Bukod doon magkakaroon din siya ng solo concert, ang kanyang kauna-unahan sa Pilipinas pagkatapos ng pandemya, na ang magiging beneficiary raw ay mga batang may sakit sa puso at walang kakayahang magpagamot.

Para kay Martin, mahalaga ang Smile Again, dahil sabi nga niya kahit na ang melody ay kagaya ng mga kanta niyang standard ang beat, ginawa naman niyang masaya ang lyrics nito. Kasi ang paniwala ni Martin iyon ang kailangan ng mga tao ngayon, ang maging masaya.

Palagay rin naman namin matapos na marinig ang kanta, very inspiring nga iyon at tiyak na magugustuhan ng mga Pinoy.

Iyan ang kailangan sa ngayon, maglabas ang mga sikat na artist  ng mga bagong kanta naman, bagama’t ang hinahanap pa rin ay ang mga dati nilang kanta. Kung ganyan nga ang gagawin ng mga sikat na artist, mabubuhay na muli ang industriya ng musika sa ating bansa.

Ang industriya kasi ng musika dito sa atin ay tila nga nag-stand still, walang mga bagong kanta, una dahil natatakot sila sa piracy at tapos nasundan pa ng pandemya.

Tila naiba na rin ang market, walang CDs. Ang musika ngayon ay idina-download na lang, at ang masakit basta may nakapag-download na kopyahan na lang. On the other hand, ngayon naman ay mabilis na kumakalat ang mga kanta ng singers, mabilis iyong nasusundan ng mga tao.

Marami pang gustong gawin si Martin, sabi nga niya umaasa siyang naririto pa rin siya for the next 40 years, at magkaroon siya ng concert kasama ang kanyang anak na si Robin, na napakagaling namang maggitara.

Siguro nga kung mangyayaring lahat iyan, Martin can “smile again.”

Pokwang, mapait pa ang puso

Totoo ba o biro lang ng komedyanang si Pokwang na sinisingil niya ang mga may utang sa kanya na kamag-anak o kaibigan na hindi bumoto sa kandidatong ikinakampanya niya. Kung totoo, sobra naman yatang bitter siya.

Kailan nga ba matatapos ang bitterness dahil lamang sa pagkatalo sa eleksyon? Tapos na iyon. Nakapagsalita na ang malaking mayorya ng mga Pilipino. Hindi ba natin matanggap ang desisyon ng mas nakararami? Ano pa nga ba ang inaasahan natin? Mukhang marami pa rin sa show business ang mapait na mapait ang pagtanggap sa mga pangyayari.

Baguhang sexy star na ‘di marunong umarte, laglag sa BL series

Masama ang loob ng isang newcomer, dahil kinumbinsi raw siyang sumali sa isang BL series, at tinanggap naman niya dahil sa pangakong bibigyan siya ng magandang role.

Ang ending wala naman ang sinasabi sa kanyang magandang role, inalis ang kanyang mga eksena, at ang sexy scenes na kinunan sa kanya ay “mukhang gagawin na lang scandal sa internet.”

Hindi kaya dahil hindi siya marunong umarte talaga?

 

MARTIN NIEVERA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with