^

PSN Showbiz

Kris, tuloy ang laban para kina Joshua at Bimby

TAKE TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kris, tuloy ang laban para kina Joshua at Bimby
Kris Aquino.

Nakakaawa naman si Kris Aquino.

Sana naman gumaling na siya dahil tiyak na lagi niyang nasa isip ang mga anak na sina Joshua at Bimby.

Kahit ano pa ang sabihin about Kris, isang bagay ang hindi mo puwedeng isumbat sa kanya, ang pagiging mabait at mabuting ina sa mga anak niya.

On top of her list talaga ang kapakanan nina Joshua and Bimby bago ang lahat sa buhay niya. Kaya sure ako na takot siya sa resulta ng sakit niya hindi para sa sa­rili niya kundi para kina Joshua at Bimby.

Kaya naman sana ipagdasal natin na gumaling at maging maayos ang katayuan niya.

Get well soonest, Kris, kayanin mo lahat iyan.

Stay strong and give your all, we will pray for you.

At sana maayos din ang kalagayan nina Joshua at Bimby.

Kamiseta, swerte kina Marian at Heart

Lucky talaga na nakuhang top endorsers sina Marian Rivera at Heart Evangelista ni Cris Roque ng Kamiseta Skin and Kamiseta Apparel.

Imagine na ‘pag nagkataon at nagsama sa isang press meet ang dalawang reyna, pinakabongga na iyon talaga.

Wala naman dapat issue dahil professional sina Marian at Heart, saka at this point na parehong happy ang family life nila, dapat lang siguro na kung anuman ang naging issue noon, kalimutan na.

Very soft hearted si Marian, madali niyang matanggap ang anumang paliwanag, level-headed naman siguro si Heart para makita kung saan ang naging mali.

Walang dapat pag-awayan, walang dapat kainggitan.

Happy lang dapat para mas magaan ang buhay. Ang dami nilang dapat ipag-thank you, si Marian may dalawang cute na anak at napakabait na asawa. Si Heart among topnotcher sa Senate race ang asawang si Chiz Escudero. So dapat lang ayos sa lahat ng tao.

Pareho silang winner, dapat magaan ang pakiramdam nila everyday. No hang ups. Suwerte ng Kamiseta dahil parehong mabait ang endorsers niya.

KRIS AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with