^

PSN Showbiz

Gab, bongga ang atake sa pagkatalo

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Gab, bongga ang atake sa pagkatalo
Gab
STAR/ File

Ang ganda ng message ni Gab Valenciano. Very heartwarming at feel mo ang sincerity at wisdom niya.

Nag-endorse kay Leni Robredo si Gab Valenciano dahil sa uncle na si Kiko Pangilinan. Pero ang ganda ng atake niya sa pagkatalo. Lalo na ‘yung line na kahit ano pa ang kulay na sinalihan mo, ang importante ang kulay ng puso mo.

Up to now, malaking puzzle pa rin sa akin kung bakit tuwing ipapakita ang mga rally ni Leni Robredo talagang apaw sa tao, pero bakit halos kalahati ang lamang sa kanya ni Bongbong Marcos sa bilangan.

Talagang ‘pag nanood ka ng TV at nakita mo mga tao na nasa rally ni Leni, iisipin mong siya na ang panalo, kaya gulat ka na ganun pala kalakas ang puwersa ni Bongbong.

Maganda ang take-off ng kampo ni Leni, pero midway na parang sobra na sa kampante ang kampo niya, may naging negatibo ng epekto. Doon naman gumanda ang takbo ng kampanya ni Bongbong, nakatulong na hindi siya sumasali sa debate, hindi nakikipag-away, hindi sumasagot sa mga akusasyon sa kanya.

Sayang nga na hindi natuloy ang meet and greet niya sa showbiz press dahil sa sked kundi nakilala sana siya up-close and personal ng showbiz press.

All of us should pray na sana maging mahusay na leader si Bongbong Marcos. Na sana may maganap na mga pagbabago sa bayan. All of us dapat makipag-cooperate sa bagong gobyerno, para maging maganda ang resulta ng trabaho.

Mariel, premium ang binebentang steak

Hindi ko alam kung si Mariel Rodriguez pa rin ang may-ari ng Cooking Ina na nagdi-deliver ng quality steaks. Ito kasi ang nabalitang business niya noon kaya tinatanong ko.

Bongga siya dahil steak ang kanyang line, qua­lity steak at talagang premium, kaya tiyak na medyo pricey ito. Magandang business dahil nga sa stars pa lang, tiyak na marami nang order si Mariel kung sakali.

Kilalang-kilala ang Cooking Ina sa masarap na steaks na kanilang ipinagbibili, at marami na ang nakakaalam na basta kailangan mo ng quality steaks, Cooking Ina ang tawagan mo.

Kaya kung ito ang business ni Mariel bongga, lalo pa ngayon na number 1 si Robin Padilla sa Senate list ng mga nanalo, double whammy talaga.

Bongga rin na dinala niya sa Spain ang mga anak nila ni Robin para magbakasyon.

vuukle comment

GAB VALENCIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with