^

PSN Showbiz

Aktres na kakampink, nagpanggap na bumoto!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nabasa namin ang pangalan ng isang aktres na pinasalamatan ng Kakampink na bumoto raw kina VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangi­linan.

Ma-disappoint kaya ang Kakampink kapag nalamang hindi registered voter ang aktres at ibig sabihin, hindi siya nakaboto.

Ngayong eleksyon lang naman daw hindi naka­boto ang aktres, hindi na nakapagrehistro dahil pandemic. Kaya, wala tayong nakitang larawan ng aktres na ipinakitang may indelible ink ang hintuturong daliri niya after election.

Kahit hindi nakaboto, supporter nina Leni at Kiko ang aktres, puwede pa rin siyang sumuporta sa ibang paraan na in fairness, ginagawa ng aktres.

Janno, nabawasan ng followers sa pakikipagbar-dagulan

Kina-cancel si Janno Gibbs ng followers niya sa Instagram, mga hindi yata sanay na nakikipagbardagulan ang singer-actor sa followers niya, lalo na sa followers niyang mga maka-BBM.

Ang isang post ni Janno, sabi, “In just a matter of hours, I was unfollowed by 1K people! Well. a few were blocked by me. The price you have to pay for speaking your heart. Worth it? Of course! For country.”

Kasunod nito, ang isa pang post na “Lost another 1K followers in minutes.” Kaya, kung itse-check, 350K na lang ang followers ni Janno dahil 2K na ang nawala at kung patuloy siyang makiki­pagbardagulan sa followers niya, mababawasan pa ang mga ito.

Sa isang post, hindi nakapagpigil si Janno na murahin ang netizen na foul naman talaga ang sinabi. Sagot ni Janno sa kanya, “T*ng i*a mo wag kang bastos! Gago! Mainit ulo ko ngayon.”

Ang resulta ng bilangan ng mga boto ang nagpainit sa ulo ni Janno at totoo naman ang sinabi nitong “Sabi nyo “Wag nang bitter.” Tanggapin nlang na Talo na. Move on na. Nung matalo si BBM as V. Nag-move on ba? Tinanggap ba niyo? Hindi. Nagprotesta at nagparecount ng 3X. Talo pa rin. So hayaan niyo kaming maging bitter. Kung nabaligtad ang resulta, pihado bitter din kayo. Let us grieve.”

May nagpayo kay Janno na kumalma lang at baka ‘yung mga nag-unfollow sa kanya ay nagbibigay ng negative vibes sa kanya and he is better off without them.

Rocco at Melissa, planado na ang future ng anak

Nakakatuwa ang mag-asawang Rocco Nacino at Melissa Gohing-Nacino dahil ngayon pa lang, may mga napili na silang ninang at ninong para sa baby nila na ang tawag ng mag-asawa ay Baby N.

Sa exclusive interview ng GMA kina Rocco at Melissa, nabanggit ang mga plano sa nalalapit na pagdating ng kanilang first baby. Sabi nito, nais nila ni Melissa na magkaroon ng insurance ang baby nila. “Nowadays kung gaano na ka-different ang parents na millennials, ang napapansin. Prepared na ngayon ang mga parent. Kami paglabas ni baby gusto naming magkaroon ng insurance para sa kanya.”

Patuloy pa ni Rocco, “Kahit baby pa lang siya magse-set aside na kami ng grade school, high school, and college fund para sa kanya. At least we’re wor­king na alam namin na may mapupuntahan ‘yung pag-iipunan namin.”

Nabanggit din ni Rocco na may listahan na sila ng magiging ninong at ninang ni Baby N. Sabi nito, “We have a list na. Mga close friends ko, mga nag-guide sa akin throughout the pregnancy. Si Mel, maraming super close friends and also athletes. Mga non-showbiz friends also, ‘yung mga talagang from way back pa naming kaibigan.”

Abangan na lang natin ang announcement nina Rocco at Melissa ng listahan ng godparents ng kanilang first baby. Hindi pa rin nila nabanggit kung kailan isisilang ni Melissa si Baby N.

AKTRES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with